Bilang ng mga naaresto sa paglabag sa COVID-19 health protocols 200,000 na | Bandera

Bilang ng mga naaresto sa paglabag sa COVID-19 health protocols 200,000 na

- July 23, 2020 - 04:17 PM

Umabot na sa 200,000 katao ang bilang ng mga nahuli dahil sa paglabag sa health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan dahil sa COVID-19.

Sa Pre-SONA forum, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na sa naturang bilang, 112,826 indibidwal ang binalaan at pinauwi rin sa kanilang tahanan.

Aabot naman sa 34,134 katao ang pinagmulta habang 64,814 indibidwal ang inaresto dahil sa paglabag sa curfew.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Año na 3,000 na lamang ang natitira ngayon sa kulungan.

Paliwanag ni Año, gumugol ng oras ang inquest proceedings sa mga kaso.

Sa ngayon aniya, nakipagpulong na ang DILG sa mga lokal na pamahalaan para magkaroon ng uniform na multa at parusa sa mga lalabag sa health protocols.

“Magkakaroon na lang kami ng uniformed implementation kung papaano ipatutupad iyong health standards protocols. Number of days in prison, kapag nag-violate ka ng hindi pag-wear ng mask, we suggest 10 to 30 days; physical distancing also 10 to 30 days imprisonment. At kung ikaw naman ay ipa-fine, it’s about between 1,000 to 5,000 pesos. So iyan iyong magiging uniformed implementation natin,” pahayag ni Año.

Naniniwala si Año na kapag naging pare-pareho na ang multa at parusa, mas magiging disiplanado ang mga Filipino at susunod sa health protocols na magbubunga naman ng pagbagal ng pagkalat ng COVID-19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending