Payo ng SB19 sa A-TIN: Wag isiping mag-isa ka, walang imposible basta magtiwala sa sarili | Bandera

Payo ng SB19 sa A-TIN: Wag isiping mag-isa ka, walang imposible basta magtiwala sa sarili

Ervin Santiago - July 23, 2020 - 12:38 PM

 

 

TUWANG-TUWA ang mga fans ng P-Pop boyband na SB19 nang muli nilang maka-bonding ang kanilang mga idolo kahapon.

Humarap ang mga miyembro ng grupo na sina Josh, Sejun, Stell, Ken at Justin sa mga A-TIN para sa isang masaya at makabuluhang digital Q&A session.

Bukod sa mga updates tungkol sa personal na buhay ng bawat isa, nagbigay din ng kanilang saloobin ang grupo tungkol sa patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Josh, may mga araw na inaatake rin siya ng depresyon pero hindi niya hinahayaang mas manaig ang kanegahan sa araw-araw niyang paglaban sa buhay.

“Parang feeling mo kalaban mo lahat, parang feeling mo wala kang kasama sa buong mundo, pero huwag kang mawawalan ng pag-asa, huwag kang mawawalan ng pag-asa sa sarili mo.

“And, in the future, basta maniwala ka na merong kang mararating, kahit feeling mo wala kang kaya, pero parang isinapuso at isinaisip mo yung mga passion mo or things that you really want in life para magamit mo rin ito in time,” lahad ni Josh.

Dugtong pa niya, “Maraming madadaanan, maraming pagsubok, maraming pwedeng ‘yung akala mo ‘Hindi na yon,’ pero tulad po ng sinasabi namin, it’s a learning process, matututo ka araw-araw, sa bawat gising mo, bawat depression na madadaanan mo, bawat problema, matututunan mo at magagamit mo yun para maligtas mo ang sarili mo.”

Payo naman ni Stell sa kanilang supporters, “Kapag dumating ang problema sa ‘yo, isipin n’yo na binigay sa yo yun ni God kasi alam nila na kaya mo.”

Ipinaalala naman ni Justin sa lahat ang kahalagahan ng komunikasyon sa pamilya at mga kaibigan lalo sa sa panahon ngayon na halos lahat ay naghihirap.

“Huwag mong isipin na mag-isa ka lagi. Everything na madadaanan mo parang game lang yan na kailangan mong harapin… kailangan mong tapusin, kailangan manalo against sa kung anumang kalaban mo.

“At huwag mong isipin na mag-isa ka dahil may kasama ka, hindi man siya physically nandiyan para sa inyo. Kunwari, parang kami,we’re here para sa inyo, and although virtually, we’re trying our best to help everyone, to inspire everyone,” dagdag pa niya.

Para kay Ken, “Minsan kasi kapag nasa ganyang state ka, minsan hindi mo talaga ma-absorb, eh. Kinakain ka talaga ng emotion, kasi naka-experience na rin ako ng ganyan, na feeling ko, kahit anong sabihin sakin ng tao, feeling ko hindi nila ako maabot, eh sobrang lalim ko.

“Kaya gusto ko lang sabihin na gumawa kayo ng paraan kung paano ilabas ‘yung nararamdaman ninyo na walang ibang tao ng maaapektuhan, and maging matapang ka lang palagi, ayun lang.

“Kasi, sa ganoong day, kumbaga, walang makakatulong sa inyo kung hindi di sarili niyo lang talaga kaya tibayin niyo lang ang loob niyo,” sabi pa ni Ken.

Ginamit naman ni Sejun ang isang linya sa viral at hit song nilang “Go Up,” “Yun pong kantang ‘Go Up,’ merong line doon na ‘Walang imposible’.

“Walang imposible, basta magtiwala ka sa sarili mo, gawin mo lahat ng makakaya mo, sa sarili mo, magdasal ka, makakamit mo rin ang gusto mo sa buhay,” pahayag ni Sejun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, bago matapos ang Hulyo, iri-release na ng SB19 ang una nilang full-length album, ang “Get in the Zone” na naglalaman ng 6 tracks with 3 remixes.

Kamakailan, gumawa ng matinding ingay ang SB19 nang pumasok sila sa Billboard Artist Chart (Top 5) kaya talagang pang-international na ang kanilang talent.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending