Paolo sa tagumpay ng TNAD: Sa totoo lang, hindi ako sanay sa ganitong atensiyon
NANINIBAGO ang Kapuso actor na si Paolo Contis sa atensiyong ibinibigay sa kanya ngayon ng publiko.
Mula kasi nang mag-number one sa Netflix ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi na “Through Night and Day” ay palagi na siyang nasa balita at hume-headline pa.
Ani Pao, hindi siya sanay sa ganu’ng klase ng atensyon pero aniya, masaya naman siya at masarap sa pakiramdam ang natatanggap niyang mga papuri.
“Masaya siya kaso ‘di ako sanay talaga. Sa totoo lang ‘di ako sanay. Ako kasi, nabuhay ako sa industriya ng okay lang. Part ako ng number one gag show.
“Masaya ako na isa ako sa mga inaaasahan nila pero wala sa akin ‘yung pressure na, ‘O, kailangan mag-rate ‘to, ha, sa’yo nakasalalay ‘to,” pahayag ni Paolo sa panayam ng GMA.
Inamin din ng dyowa ni LJ Reyes na ibang klase rin ang feeling na gumanap sa isang lead role ngunit nanghinayang lang siya dahil hindi ito masyadong naging hit sa takilya nang ipalabas ito sa mga sinehan noong 2018.
“Masasabi ko na, siyempre, noong una na-excite ako about Through Night and Day before. Kasi, it was an opportunity na gumawa ako ng lead.
“Medyo nakakahinayang hindi siya nangyari, nakakalungkot, siyempre, pero I learned to live with it na okay lang. Okay lang naman sa akin, e,” aniya.
Pero ngayong hot topic na ang kanilang movie, “Medyo iba, iba siya sa akin. I’m not used to having that attention kasi hindi ko naman siya ginagawa for attention, e.”
“It’s fun to be honest. Masaya ako… ‘Di ako sanay, to be honest, pero I am happy,” chika pa ng Kapuso actor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.