Alessandra ayaw mag-join sa street protest ng ABS: Birthday nga, 'di ako uma-attend, rally pa? | Bandera

Alessandra ayaw mag-join sa street protest ng ABS: Birthday nga, ‘di ako uma-attend, rally pa?

Ervin Santiago - July 22, 2020 - 02:09 PM

 

 

NAG-EXPLAIN ang award-winning actress na si Alessandra de Rossi kung bakit never siyang nag-join sa mga protest rally para sa ABS-CBN.

Isang netizen kasi ang nagtanong sa kanya ng, “Bakit ikaw Alessandra, puro ka lang panalangin sa Twitter hindi ka naman sumasali sa rally para lumaban para sa mga Pilipino?”

Sagot ni Alex, “May COVID. Maawa ka. At saka hindi ako okay (mentally) ‘pag madaming tao. Birthday nga, ‘di ako umaattend, rally pa?”

“Ako pa ba? Kaya nga madami nag-iisip na maldita ako dahil ‘pag tama ako, ‘di ako takot magsabi ng totoo at magmukhang mali.

“Pero ‘yung COVID ay wala akong X-ray vision para dyan. ‘Yung totoo, takot ako dyan. Wala akong planong makausap sya ng personal at wala akong planong matalo dyan,” paliwanag ng dalaga.

Hirit naman niya sa isang basher na nagsabing duwag siyang magpakita nang personal sa mga ABS-CBN rally, “I pray you look beyond your personal opinions na ‘di porket mas matapang ang isa ay takot na ang isa. Baka iba ang kinatatakutan niya.

“Ako sure na, COVID first, tapusin ko lang ‘to at baka ito ang tumapos sa akin,” dagdag pa ng aktres.

Sey pa ni Alessandra, “Feeling ko kung nasa ‘Pinas ang nanay ko babatukan ako nun kung lumabas ako. Iba-iba tayo ng kinalakihan, iba-iba tayo ng laban.

“Walang mali sa umattend ng rally dahil may gusto sila ilaban. Walang mali sa gusto palipasin muna to be sure. Isa lang kalaban ngayon at hindi ako ‘yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala akong pagsisisihan if my only goal is to stay alive and do only what I can. Dahil ‘di ko pa tapos bayaran insurance ko para may makuha @ermatsko pag nadeadz ako.

“Wala naman akong savings, ni pang ospital wala. Ang importante ngayon… mabuhay tayo. So, Twitter na lang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending