Kim muling bumanat sa Congress: Grabe! Ang galing nila bumusisi, sana COVID muna ayusin!
KAHIT alam niyang wala nang saysay ang kanyang sasabihin, inilabas pa rin ni Kim Chiu ang sama ng loob laban sa mga kongresistang nagpasara sa ABS-CBN.
Hindi napigilan ni Kim ang muling maglabas ng galit sa naging desisyon ng Kongreso na huwag nang bigyan ng bagong prangkisa ang kanilang network na nagdulot sa malawakang tanggalan ng mga empleyado.
Aniya, sana raw ay mas binigyan ng importansya ng mga kongresista ang pagresolba sa mga problemang dulot ng COVID-19 crisis sa bansa kesa sa pagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN.
“What if yung 13 congress hearings na ginawa for AbsCbn ginawa yun to fix the Covid cases and the families that are deeply affected by this pandemic?!!!” ani Kim sa kanyang Instagram Stories.
“Busy sila sa iba eh, ang galing nila bumusisi, wala na sa lugar.
“Sana covid muna ayusin! Grabe lang! Grabe!” hirit pa niya patungkol sa mga congressman na bumoto para sa tuluyang pagpapasara sa istasyon.
Pahabol pa ng aktres, “Nasa pinas pa ba ako?! Parang hindi na kasi eh… sobrang nakaka [cyring emoji].”
Hindi lang si Kim ang patuloy na naglalabas ng sama ng loob at galit sa tuluyang pagpatay ng House Committee on Legislative Franchises sa franchise application ng ABS-CBN.
Kahit na alam nilang imposible nang mabigyan ng bagong prangkisa ang Kapamilya Network ay hindi pa rin sila tumitigil sa pag-iingay para ibandera ang kanilang pagsuporta sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.