outbrain

Sariling network ni Vice Ganda rarampa na; unang pasabog ang ‘GGNV’

By Reggee Bonoan July 20,2020
share this

Sariling network ni Vice Ganda rarampa na; unang pasabog ang ‘GGNV’

By Reggee Bonoan July 20,2020 - 01:10 PM

 

 

 

ILANG tulog na lang at mapapanood na ng publiko ang “Gabing-Gabi Na Vice” sa Vice Ganda Network.

Magsisimula na ito sa Hulyo 24, Biyernes kung saan muling maghahatid ng kaligayahan at good vibes ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda.

Sigurado kaming magiging hit ang unang online show ni Vice Ganda dahil nasabik na ang mga tao sa kanya simula nang mawala sa ere ang kanyang “Gandang Gabi Vice” sa ABS-CBN.

Matagal nang pangarap ni Vice ang magkaroon ng online show na hindi lang niya kaagad naasikaso dahil nga naging abala siya sa kanyang mga proyekto sa pelikula at telebisyon.

At ngayong nabawasan na ang load niya sa TV at tanging ang “It’s Showtime” muna ang programa niya sa TV ay nagkaroon na siya ng oras para asikasuhin ang “Gabing-Gabi Na Vice”.

Ayon sa nakausap namin, mukhang makiki-level ang TV host-comedian kay Oprah Winfrey na matagal nang nagpapatakbo ng sarili niyang network.

Pumunta lang sa official VICE GANDA NETWORK website, www.viceganda.com.ph para una ka sa latest na pa-good vibes ni Vice Ganda araw-araw.

Alamin ang latest na Vice Chika, kumuha ng Vice Beauty tips, magkaroon ng chance na makakuha ng Vice giveaways, sumali sa mga Vice palaro at panoorin ang latest Vice videos.

Front row ka palagi sa mga laugh trip ni Vice Ganda kasama ang kanyang mga guest every week na kahit gabing-gabi na ay game na game pa rin makipaglaro at makipag-kulitan.

May sexy guests, hot guests at makukulit na guests. Lahat yan siguradong meron ang “Gabing Gabi Na Vice!”

Tamang-tama ang pagbubukas ng Vice Ganda Network dahil kahit paano’y makakatulong ito sa mga artista at production staff na mawawalan ng trabaho sa tuluyang pagpapasara ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending