Kuya Kim sa nagpakalat ng death hoax: ‘Pag namatay ako dadalawin ko siya gabi-gabi!
KUMALAT sa social media ang balitang patay na raw ang Kapamilya TV host na si Kim Atienza.
Ito’y matapos mag-post si Kuya Kim sa Instagram ng mensaheng tumakbo siya ng 11 kilometers bilang pagsaludo sa 11,000 empleyado ng ABS-CBN.
“Kuya Kim Atienza Kritikal Ngayon matapos Barilin ng mga Magnanakaw sa Kanyang Bahay. Nakunan ng CCTV,” ang titulo ng pekeng balita na kumalat sa Facebook at Twitter.
Sinamahan pa ito ng dalawang litrato ng TV host at ginamit ang GMA News para magmukhang lehitimo at totoo ang balita.
Of course, shocked si Kuya Kim nang magtawagan sa kanya ang mga kapamilya at kaibigan na nakabasa sa fake news na namatay daw siya.
Sa kanyang Instagram account, ni-repost ni Kuya Kim ang nasabing pekeng balita kalakip ang screenshots nito mula sa iba’t ibang websites at isang video sa YouTube na nagsasabing nasa ospital siya at agaw-buhay na.
Caption niya rito, “Thank you for all who called to check on me. I tried to pass this off and be quiet but my friends and family are worried.
“I have to address this fake news item now. I am very much alive and still working. kahit walang franchise, @tvpatrolabscbn2 is still on air,” ani Kuya Kim.
Sinundan pa niya ito ng isang Bible verse, “Psalm 18:2-3
The Lord is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge, my shield and the horn of my salvation, my stronghold. I called to the Lord, who is worthy of praise, and I have been saved from my enemies.”
Isang netizen din ang nag-share ng death hoax sa socmed. Ani @Vincelove12, “Kuya Kim how real is this? Sana Po d totoo, Sana lng Po hands let’s just pray.”
Reply naman sa kanya ni Kuya Kim, “Kakaiba naman ang style ng bashing niya. Pag namatay ako dadalawin ko siya gabi gabi. #kuyakimtrivia.”
Nagpahayag naman ng galit ang mga followers at fans ng Kapamilya host at nagsabing makakarma at parurusahan din ng Diyos ang gumawa ng fake news.
Sey naman ng ilang netizens, siguradong hahaba pa raw ang buhay ni Kuya Kim dahil sa ginawang pagpatay sa kanya ng mga taong walang magawa sa buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.