Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (July 16), 1,335 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
640 pulis ang itinuturing na probable cases habang 1,391 ang suspected cases.
Umabot naman sa 565 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Nasa siyam pa rin ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending