ABS-CBN employees hanggang Agosto 31 na lang ang trabaho | Bandera

ABS-CBN employees hanggang Agosto 31 na lang ang trabaho

Reggee Bonoan - July 16, 2020 - 10:30 AM

MAY nabasa kaming post ng mga empleyado ng ABS-CBN na iisa ang sinasabi, “Mahigpit na yakap Kapamilya.”

Inisa-isa naming basahin ang mga komento sa kanilang mga social media post — at nagpapaalam na pala sila.

Bago basahin ang official statement ng ABS-CBN sa TV Patrol nitong Miyerkules ay marami na kaming nabasang mensahe at ito siguro ‘yung nakarating sa amin na isa-isa nang kinakausap ang mga empleyado para sabihing hanggang Agosto 31 na lang.

May mga nakausap pa kami noon na habang papalapit ang judgment day para sa prangkisa ng ABS-CBN ay hindi na sila makatulog sa gabi at lagi silang umiiyak dahil baka paggising nila ay wala na silang trabaho.

Okay lang daw sana kung makakahanap agad sila ng malilipatan, pero paano at saan? Sa panahon ng pandemic ay marami pa ring negosyo ang sarado lalo’t hindi naman bumababa ang kaso ng mga nagpopositibo sa killer virus kundi tumataas pa nga.

Narito ang nilalaman ng official statement ng ABS-CBN: “Dahil sa desisyon ng Kongreso na hindi bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, humantong na ang network sa mahirap at masakit na desisyon na itigil ang operasyon ng ilang negosyo nito at simulan ang proseso ng pagbabawas ng empleyado simula 31 Agosto 2020.

“Ginagawa namin ang lahat para maibsan ang sakit na mararamdaman ng mga maaapektuhan, kabilang ang pagbibigay sa kanila ng separation pay na naaayon sa batas at retirement benefits at mga programang tutulong sa paghahanap nila ng bagong trabaho.

“Mahirap na pakawalan ang aming mga kapamilya sa panahong walang kasiguruhan at puno ng pangamba dahil sa COVID-19 ngunit ito ay isang desisyong kailangan naming gawin.

“Bagama’t masakit, ito lamang ang paraan upang matiyak pa ang trabaho ng ibang mga kapamilya.

“Ipinagdarasal namin ang mga mawawalan ng hanap-buhay at ang kanilang mga pamilya. Sana’y pagkalooban kayo ng lakas ng loob sa pagharap sa mga darating na pagsubok.

“Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng inyong ginawa para sa ABS-CBN. Maraming salamat po, Kapamilya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending