Alessandra muntik nang mamatay sa pool scene; umaming hindi si Paolo ang 1st choice sa ‘TNAD’
IBINUKING ni Alessandra de Rossi na hindi si Paolo Contis ang unang pumasok sa isip niya para maging leading man niya sa pelikulang “Through Night and Day.”
Hit na hit ngayon sa Netflix Philippines ang movie nina Alessandra at Paolo at talagang umaani sila ngayon ng papuri mula sa mga nakapanood nito.
Nagkakaisa sila sa pagsasabing deserving nila ang manalong best actress at best actor para sa napakagaling na performance nila sa pelikula.
Pero ayon kay Alessandra, hindi si Paolo ang naiisip niyang makatambal dito kundi ang leading man niya sa blockbuster movie na “Kita Kita”.
Si Alessandra rin kasi ang nakaisip ng konsepto at kuwento ng movie, “I wrote this for empoy (Marquez) kaya ginawa kong childhood friends para tanggap na nila isa’t isa. Ano man! Love you poy! Charot!
“Ngunit may kontraban. Not viva or octo. Perfect si paolo, btw. Ginalingan,” tweet ni Alessandra.
Samantala, nagbigay din ng ilang trivia sa kanyang Facebook page ang scriptwriter ng “Through Night and Day” na si Noreen Capili.
Aniya, totoong plano ni Alex na gawing directorial debut sana ang pelikula nila ni Paolo pero bigla siyang nagdesisyon na mag-concentrate na lang sa role niya bilang si Jen.
Ibinahagi rin niya sa madlang pipol kung bakit “Through Night and Day” ang title ng movie, “Kasi it’s a line from Eric Clapton’s song, Tears in Heaven. Ito dapat ang OST ng movie pero hindi nakuha ang rights dahil ayaw daw ni Eric (wow close) ipagamit sa iba ang song na personal sa kanya. So the producers opted for I Will Be Here.”
At alam n’yo ba na muntik nang mamatay si Alex sa kanyang pool scene sa movie dahil sa hypothermia.
“Muntikan na ikamatay ni Alessandra yung scene sa pool (sa Iceland). Hypothermia. Hindi na siya makahinga at naninigas na siya kaya kailangan siyang balutin sa thermal blanket at yakapin,” kuwento ni Noreen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.