Hiling ni Korina sa mag-aampon kay Baby Chow Chow: Wag siyang gawin palahian o negosyo
DINAGSA ng mga “aplikante” ang panawagan ng Kapamilya TV host na si Korina Sanchez sa mga gustong umampon sa isang baby Chow Chow.
Hindi inasahan ni Korina na sandamakmak ang magme-message at tatawag sa kanya para maging “parents” ng inabandonang aso pagkatapos niyang mag-post sa social media.
Kaya naman aniya sa kanyang followers, bigyan siya ng sapat na panahon para makapili ng magiging bagong tahanan ng nasabing aso.
“Hello all lovers of Cotton, the abandoned baby chowchow! Soooo many of you responded to my callout for help in getting Cotton into his furever home and family. Wow, thanksssss.
“Now I’m sure na sa dinami-dami ninyong nag-apply, I’ll find at least one good home for Cotton. But please give me time to sift through all applicants,” mensahe ni Korina sa lahat ng nag-apply.
Dagdag pa ng Rated K host, “Many also responded to adopting Mocha. But, shempre, isa lang ang napili.
“And to all those who are now in my list of applicants, kung hindi sa inyo mapunta si Cotton at hindi rin nakuha si Mocha, please follow me as I post more lovable and loving pet dogs for adoption. I’m sure may mapipili kayo as all these dogs are so mabait and lovable.”
Pakiusap naman niya sa mapipiling mag-aampon kay Cotton na huwag ikukulong sa cage ang aso, “Please know that I prefer that my dogs can go inside the house and will sleep inside the house and not in a cage.
“Chows need to breathe and dapat malamig or maaliwalas ang surroundings kasi makapal ang fur,” chika pa ni Korina.
Patuloy pa niyang paalala, “You must be responsible and bring the pet to a vet regularly for checkups. Will groom this baby dog kasi ang chow kailangan inaalagaan talaga ang grooming.
“You will not tie the dog in chains okay? You also must know we will neuter Cotton before we give him away. Ayaw namin gawin siyang palahian or negosyo.
“We also check the dogs I adopt out. Until we feel confident you really take care of the pet
“Please wait for our call to you for a short interview okay? Loving and being loved by a pet makes for the #BestLife,” mahabang pahayag pa ni Korina Sanchez na isa ring kilalang animal welfare advocate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.