outbrain

Maris Racal umiwas pag-usapan si Inigo Pascual…bakit kaya?

By Reggee Bonoan July 14,2020
share this

Maris Racal umiwas pag-usapan si Inigo Pascual…bakit kaya?

By Reggee Bonoan July 14,2020 - 07:37 PM

 

“NO comment.”

Yan ang sagot ng Kapamilya young actress na si Maris Racal nang tanungin namin tungkol sa estado ng relasyon nila ni Inigo Pascual.

Sa ginanap na mediacon ng bago niyang project na “Beauty Queens” gamit ang Zoom app ay umiwas si Maris nang mapag-usapan si Inigo.

“Ay! No comment,” ani Maris sabay sensyas sa amin na huwag na lang pag-usapan ang binata.

Hindi na namin kinulit ang dalaga pero ramdam namin na may “something” sa kanila ni Inigo. Pero dahil nakiusap na nga siya sa amin, hindi na namin siya kinulit pa.

Hiningan na lang namin ang aktres ng komento tungkol sa naging desisyon ng Congress na huwag nang i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN. Si Maris ay produkto ng Pinoy Big Brother All In at nagwaging 2nd Big Placer.

“Siyempre nu’ng araw na ‘yun (Hulyo 10) lahat kami nalungkot po talaga, sobrang ang daming nangyari.

“Emosyonal po lahat, disappointments, frustrations bakit ganu’n ‘yung resulta, siyempre sa buong hearing po sa 12 hearings, parang in-expect mo na papakinggan nila tayo.

“And medyo nagulat po talaga but I’m still hoping na sana mabigyan ulit tayo ng pagkakataon kasi siyempre pandemic po ngayon importante naman po talaga,” pahayag ng singer-actress.

As of now ay wala pang offer si Maris na mag-guest sa ibang TV network tulad ng ibang Kapamilya stars na nag-guest sa Eat Bulaga tulad nina Pokwang at Richard Yap.

Samantala, isa si Maris sa cast ng 6 six-part series na “Beauty Queens” na mapapanood na ngayong hatinggabi, 12 midnight, sa iWant app (iOs at Android) o iwant.ph.

Ang “Beauty Queens” ang kauna-unahang iWant original ng award-winning director na si Joel Lamangan.

Mula sa ATD Entertainment Productions, tampok din sa cast nito sina Lotlot De Leon, James Blanco, Ruby Ruiz, Rafa Siguion-Reyna, Shido Roxas at Nella Marie Dizon.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending