Enchong Dee kay Harry Roque: You disgust me...sayang ka! | Bandera

Enchong Dee kay Harry Roque: You disgust me…sayang ka!

- July 14, 2020 - 06:13 PM

 

“BASAGAN na ng trip ‘to!”

Yan ang mensaheng nais iparating ng Kapamilya actor na si Enchong Dee kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Ito’y matapos maglabas ng pahayag si Roque tungkol sa desisyon ng Congress na huwag nang pagkalooban ng prangkisa ang ABS-CBN.

Ani Roque, respetuhin na lang ang naging resulta ng botohan sa Kongreso hinggil sa franchise renewal ng network — at mag-move on na.

“Mayroon po bang malaking kawalan dahil hindi nabigyan ng franchise ang ABS-CBN? Aaminin ko po, meron po,” pahayag ni Roque.

“Nu’ng ako po’y naging tagapagsalita, malaki rin po naging utang na loob ko dahil number 1 naman po talaga sa reach ang ABS-CBN. Nalulungkot po ako na dumating sa punto na hindi po na-renew ang prangkisa,” aniya pa.

“Maski po tayong manghinayang, eh tapos na po ang boksing. At dumaan na po sa proseso, sang-ayon sa Saligang Batas. Wala na po tayong magagawa. Let’s move on,” dagdag pa ng opisyal.

Sa kanyang Twitter account, ni-repost ni Enchong ang quote card kung saan nakasulat ang mensahe ni Roque.

“You disgust me.

“Alam ko makikita mo ‘tong tweet na to because you follow me. Sayang ka,” hirit ni Enchong.

Samantala, muling ibinandera ng Kapamilya actor ang pagtatanggol sa ABS-CBN sa kanyang Instagram account.

“I’ve been fighting for my country since I was 13. Hindi madali at walang kasiguraduhan pero masarap sa puso.

“I will do the same for the company which I called home for 15 years. Hindi ako titigil sa pananalita laban sa kasamaan na pumapaligid satin. Being bashed is a small price to pay to be in the right side of history.
“Sa mga kasamahan ko sa ABSCBN, kasama nyo ko hanggang muling magbukas ang tahanan natin. At sa mga kapwa ko artista, hindi ito ang oras para manahimik, maging totoo tayo sa salitang #kapamilya,” ani Enchong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending