outbrain

Tatay ni Kathryn may 2 matinding sakripisyo para sa pamilya: Hindi lahat tungkol sa pera

July 14,2020
share this

Tatay ni Kathryn may 2 matinding sakripisyo para sa pamilya: Hindi lahat tungkol sa pera

July 14,2020 - 03:35 PM

BENTANG-BENTA sa mga KathNiel fans ang latest vlog ni Kathryn Bernardo kung saan nakasama niya ang amang si Teodore Bernardo.

Trending na ngayon ang nasabing YouTube ni Kath kung saan ini-interview niya ang kanyang tatay habang nagbu-boodle fight.

Kitang-kita sa video ang pagmamahal ng Kapamilya actress sa kanyang Daddy Teo at kung paano niya irespeto at igalang ito.

Inamin ng tatay ng dalaga na matindi rin ang sakripisyong ginawa niya para suportahan ang mga pangarap ng anak.

“Isinakripisyo ko unang-una lahat ng investment namin, hanapbuhay, pinagkakakitaan, lahat ng properties namin nasa Nueva Ecija, nasa probinsya.

“Noong nataypan ni Kathryn ang showbiz, six years old, then sabi niya ibili ko siya ng bahay so, isinakripisyo ko ‘yung ibang investment para maging cash at mabili ng bahay kasi sabi naman niya, ‘Pag kumikita na ako, papalitan ko ‘yang bahay mo,’” pahayag ni G. Teodore.

“Kaya ito, nandito kami sa bahay na binili niya. Ito na ‘yung kapalit pero hindi ko naman inaasahan ‘yun kasi support lang. May bahay naman ako sa probinsya so okay na sa akin ‘yun so ayan binili mo ‘yan, sa ‘yo yan,” lahad pa ng ama ni Kath.

“Ang pangalawang sakripisyo ‘yung hinayaan ko kayo na nandito lang sa Maynila. Hindi naman hinayaan as in pinabayaan. Hindi ko talaga maiwan ‘yung Cabanatuan.

“Nandoon ‘yung mga properties, ‘yung mga business. Nandito kayong lahat sa Manila, nandoon lang ako mag-isa.

“Parang ipinagpalit ako ng mama mo, ipinagpalit n’yo akong mga anak ko sa mga kagustuhan n’yo. Kasi ‘yung mga anak kong iba nag-aaral naman dito sa Manila,” aniya pa.

Sa tanong naman kung ano ba ang pangarap niya noon sa kanyang pamilya, “Dream ko lang naman para sa pamilya ko, maski hindi masyadong mayaman.

“Hindi tungkol sa pera. Basta ang importante, ma-satisfy ka. Kasi kapag na-satisfy ka na sa sarili mo, happy ka na. Iyon ang importante, ang maging happy ka lang sa buhay,” pahayag pa ni Daddy Teo.

Samantala, tungkol naman sa relasyon nina Kathryn at Daniel, sinabi ng tatay ng dalaga na mixed emotions nang malaman niyang magkarelasyon na ang dalawa.

“Halo. Takot, tuwa. Sabi ko, mukhang okay naman siya (Daniel), mukhang totoo naman. Kasi wala ka namang magagawa. It’s all up to them. Lalo na ngayon, they’re at the right age. Nakita ko, mukhang maganda naman ang relasyon nila,” aniya.

Paano naman nakuha ni DJ ang approval niya bilang boyfriend ng anak, “Show of respect lang. Alam niya ‘yung lugar niya. Hindi naman siya matanong, hindi rin mayabang. Swabe lang, okay lang.

“At saka ‘yung porma niya, hindi naman yabang ‘yun. Natural. Iyong iba, ‘pag makita mo, sabihin mo, mayabang. Hindi naman. Swabe,” sabi pa ng daddy ni Kathryn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending