outbrain

‘Stalker’ kinasuhan ni Bela: Pinipilit niya na boyfriend ko siya, nakaka-freak out!

July 14,2020
share this

‘Stalker’ kinasuhan ni Bela: Pinipilit niya na boyfriend ko siya, nakaka-freak out!

July 14,2020 - 12:11 PM

KINASUHAN ni Bela Padilla ng unjust vexation ang isang lalaking nagpapakilalang boyfriend niya at dating classmate.

Nagtungo ang aktres kahapon sa Fiscal’s Office ng Mandaluyong City para pormal na magsampa ng demanda laban sa kanyang stalker.
Pero bago ito, nag-file muna siya ng blotter sa Mandaluyong Police Station kung saan isinalaysay ni Bela ang mga ginawa ng stalker.

Aniya, “Kararating ko lang sa bahay. Habang naghahapunan ako at nasa loob ako ng kwarto ko ay pina-park ko na sa aking driver ang aking kotse.

“Maya-maya ay tinawagan ako ng driver, at para pauwiin na siya kaya umakyat na siya para iabot na sa akin ang susi ng kotse.

“Pagkaabot sa susi, wala pang limang minuto ay tumawag sa amin yung guard para sabihin na may aakyat daw na bisita para surpresahin ako kaya tinanong ko kung sino siya.

“Nagsabi siya na kaklase ko daw siya sa Davao. Eh hindi naman ako nag-aral sa Davao tapos nag-iba na yung kuwento niya. Sinabi niya sa guard na boyfriend ko daw siya.

“So, sinabihan ko na yung guard na huwag muna paalisin at kunan ng picture yung ID niya. Ipinakausap ako ng guard sa kanilang chief security guard dahil nagpupumilit na itong gustong umakyat at tinatanong na sa akin kung papapasukin ko daw.

“Kaya nag-request na ako na tumawag ng barangay dahil hindi ko kilala ang lalaki at natakot na ako kaya tumawag na sila sa Barangay Wack Wack,” sabi pa ni Bela.

Pinakiusapan niya raw ang kapitbahay na lalaki at isang kaibigan na sila na lang ang bumaba nang dumating na ang mga taga-barangay, “Nakita ng kapitbahay ko na may dalawa pang lalaki sa loob ng kanyang sasakyan.

“Siguro mga 10 minuto ang nakalipas ay tumawag yung asawa ng kapitbahay ko para sabihing umakyat muna ako sa unit nila dahil ayaw umalis nung lalaki at para may kasama ako.

“Maya-maya ay umakyat na rin ang kapitbahay ko ngunit hindi pa rin umaalis yung lalaki na may dalawa pang kasama na nasa loob lang ng sasakyan.

“Mga ilang sandali pa ay tumawag na yung guard sa akin at napaalis na rin nila ‘yung lalaki,” salaysay pa ng aktres.

Samantala, sa panayam naman ng ABS-CBN kay Bela, naikuwento niya ang pagpapadala ng stalker ng mensahe sa kanyang hairstylist, “Mini-message niya yung hairstylist ko hanggang gabing gabi na. Ang dami niyang sinabi.

“Alam niya kung saan ako nagte-taping. Alam niya kung saan ako pumupunta. And pinipilit niya talaga na boyfriend ko siya. So yun lang, nakaka-freak out,” sey pa ng dalaga.

Babala naman niya sa nasabing lalaki, “Don’t come to my house ever again. You’re never invited.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending