Vilma dumepensa sa ABS-CBN: Sasabihin na naman nagdadrama para makuha ang simpatya ng tao, hindi po! | Bandera

Vilma dumepensa sa ABS-CBN: Sasabihin na naman nagdadrama para makuha ang simpatya ng tao, hindi po!

- July 14, 2020 - 09:42 AM

HANDANG panindigan ni Rep. Vilma Santos ang pagpabor niya sa muling pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa naging resulta ng botohan sa Kongreso para sa franchise application ng Kapamilya Network.

“Nagulat talaga kami. Nasagot naman ng ABS-CBN lahat ng akusasyon sa kanila, kaya we were expecting a more comfortable number,” ang paulit-ulit na sinasabi ng Batangas 6th district representative sa mga panayam.
Sa isa pa niyang interview, sinabi ni Ate Vi na hindi rin niya inaasahan na matatapos agad ang report ng Technical Working Group (TWG) hinggil sa nasabing issue.

“I got the TWG report an hour before the voting. I have to be honest with you, hindi ko na siya nabasa nang detalye. First time ko makaranas ng TWG na natapos overnight,” aniya.

Ipinagdiinan din ng award-winning actress na hindi sila nagsasalita ngayon para kunin ang simpatya ng madlang pipol at kampihan silang mga kongresistang bumoto in favor of ABS-CBN.

“Sasabihin na naman nila na ginagamit na naman natin iyong pagdadrama natin para makuha ang simpatya ng tao. Hindi po.

“Gusto ko lang po sabihin sa inyo at nakikita ninyo sa paligid ninyo kung anong nangyayari ngayon sa bansa natin,” sabi pa ng actress-politician.

Sa mga nagsasabi naman na biased at may kinikilingan siya sa pagboto dahil nga artista rin siya at sa ABS-CBN nagtatrabaho ang anak niyang si Luis Manzano, hindi raw ito totoo.

“Wala akong nakikitang conflict of interest. Wala na akong programa sa ABS-CBN. Yung anak ko naman, adult na siya, may sarili na siyang desisyon.

“And besides, talent lang naman siya. Hindi naman kami stockholder ng ABS-CBN,” esplika ni Ate Vi.

Ayon pa sa kongresista, may mga option pa naman ang network para makabalik sa ere, yan ang re-filing of a bill at ang people’s initiative.

“Meron pa namang options kasi pwede naman mag-refile ng bill, Pero depende yan kung ire-reconsider ng komite.

“Pero ang pinoproblema ko lang ngayon, pero given the reality ng politics natin, baka mahirapan tayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang people’s initiative posible yan, pero to be honest hindi madali yan. Pero kung gagawin talaga nila yan, I will join them and support them all the way,” paliwanag pa ni Ate Vi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending