outbrain

#BitterPaMore: Model-actor ginugulo ang relasyon ng ex-GF beauty queen kay hunk actor

By Reggee Bonoan July 13,2020
share this

#BitterPaMore: Model-actor ginugulo ang relasyon ng ex-GF beauty queen kay hunk actor

By Reggee Bonoan July 13,2020 - 02:09 PM

 

HINDI pa rin siguro nakaka-move on ang modelong aktor sa kanyang ex-girlfriend na beauty queen.

Kung anu-ano raw kasi ang tine-text nito sa kasalukuyang karelasyon ng dati niyang kasintahan.

Laking-gulat nga ng boyfriend ng beauty queen nang makatanggap siya ng mensahe mula sa ex-boyfriend nito na may halong malisya pero dedma lang siya.

Tila nairita naman si ex-boyfriend sa pangdededma sa kanya kaya pinost niya ito sa kanyang social media account kaya marami ang nakabasa.

Nakarating na ito sa beauty queen at sa kanyang bagong boyfriend na hunk actor at nailing na lamang ito sa pinaggagawa ng modelong aktor.

Sabi naman sa amin ng mga nakakakilala sa modelong aktor, “He’s desperate because he wants _____ (pangalan ng beauty queen) back.”

Matagal na rin naming narinig na gustong makipagbalikan ng modelong aktor sa ex-beauty queen pero huli na dahil may iba nang gusto ang dalaga at higit sa lahat maayos ang kanilang pagsasama at magkasundo sa lahat ng bagay.

Dinig nga namin ay napag-uusapan na nila ngayon ang kasal. Kaya huwag na tayong magtaka kung isang araw ay mabalitaan nating nag-propose na ang aktor kay beauty queen.

Hmmm, kaya siguro nanggugulo ang ex-boyfriend na modelong aktor baka nakarating na sa kanya na level up na ang pagsasama ng kanyang ex-beauty queen-girlfriend at ng boyfriend nitong aktor.

Kailanga n’yo pa ba ng clue sa blind item na ito? Read between the lines na lang at siguradong mahuhulaan n’yo rin kung sinu-sino ang mga bida sa kuwentong ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending