Sey mo Agot sa #BawalJudgmental hugot ni Jinkee: Do not judge others, and you will not be judged | Bandera

Sey mo Agot sa #BawalJudgmental hugot ni Jinkee: Do not judge others, and you will not be judged

Ervin Santiago - July 11, 2020 - 01:30 PM

MUKHAHG hindi naman affected ang misis ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee sa pang-ookray sa kanya ni Agot Isidro.

Sa halip na resbakan ng masasakit na salita si Agot matapos punahin ang mga ipino-post niyang luxury items sa social media, nag-post si Jinkee ng isang Bible verse sa kanyang Instagram Story.

Nilagyan pa niya ng highlight ang Matthew Chapter 7 Verses 1 to 6 na may titulong “Do Not Judge Others.”

Ito ang nilalaman ng nasabing Bible quote, “Do not judge others, and you will not be judged. For you will be treated as you treat others.

“The standard you use in judging is the standard by which you will be judged.”

“Hypocrite! First get rid of the log in your own eye; then you will see well enough to deal with the speck in your friend’s eye,” ang nakasaad pa sa nasabing verse sa Bible.

Wala mang binanggit na pangalan si Jinkee, naniniwala ang kanyang followers na ito na ang sagot niya sa mga patutsada ni Agot.
Nagsimula ito sa naging comment ng aktres sa pagpo-post ni Jinkee ng kanyang mamahaling gamit sa Instagram, partikular na ang kanyang luxury bikes.

“Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na yun, wala kaming pakialam.

“Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya. Puede ba, konting sensitivity man lang?”

“Sinabi ko naman na wala akong pakialam kung saan ginastos ang kaperahan. I’m sure marami na rin ang natulungan.
“Ang sa akin lang, kailangan ba namin makita yan, sa gitna nang paghihirap na dinaranas ng nakararami?” ang buong komento ni Agot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending