Mga anti-ABS-CBN sunog kay Jennylyn: Wag n'yo rin sanang danasin ang lumuha at mawalan | Bandera

Mga anti-ABS-CBN sunog kay Jennylyn: Wag n’yo rin sanang danasin ang lumuha at mawalan

Ervin Santiago - July 11, 2020 - 09:13 AM

WALANG pakialam ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa mga bashers, basta ang mahalaga ay maipagtanggol niya ang ABS-CBN.

Sa kabila ng pagiging contract star ng GMA 7, matapang pa ring nanindigan ang aktres para sa tuluyang pagpapasara sa Kapamilya Network.

Bwisit na bwisit si Jennylyn sa mga taong natutuwa at nagpipiyesta pa sa naging desisyon ng Congress na huwag nang i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Parang wala raw puso ang mga ito at hindi na naisip na libu-libong manggagawang Filipino ang mawawalan ng trabaho na makakadagdag pa sa problema ng bansa lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

“Sa mga taong tuwang tuwa sa mga pangyayari, huwag niyo sana danasin ang lumuha din at mawalan,” simulang pahayag ni Jen.

“Hindi ba tinuruan tayo ng ating mga magulang na maging makatao sa kapwa? Rejoicing because of other people’s sorrow is not only wrong, but inhumane.”

“You are cruel,” pahayag pa ng girlfriend ni Dennis Trillo.

Dagdag pa ng aktres na ilang beses na ring nakagawa ng pelikula sa Star Cinema, “If you say that then everyone should be held at the same standard.

“Huwag muna tayo mag mananita. Ang importante ngayon ang mga taong nawalan ng trabaho lalo na at pandemya.

“Ang daling sabihin na okay lang sa inyo kasi sa tingin ninyo ay hindi kayo naapektuhan.

“Pero sana kahit saglit ay ilagay ninyo ang sarili sa posisyon nila. Huwag kayo maging manhid sa hirap na nararanasan ng iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Will pray for everyone to be enlightened and to remember the values that make us human…Please be kind to one another. Thank you.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending