Angel, Kim tulala sa naging desisyon ng Kongreso; Liza nag-sorry sa madlang pipol | Bandera

Angel, Kim tulala sa naging desisyon ng Kongreso; Liza nag-sorry sa madlang pipol

Ervin Santiago - July 11, 2020 - 09:10 AM

NAGLULUKSA ang buong industriya ng showbiz sa tuluyang pagpapasara sa ABS-CBN matapos magdesisyon ang Kongreso na huwag nang bigyan ng bagong prangkisa ang network.
Kanya-kanyang post ang mga Kapamilya stars ng kanilang saloobin nang ibandera na ang desisyon ng Mababang Kapulungan hinggil sa franchise renewal ng istasyon.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila matanggap na tuluyan nang ipatitigil ang operasyon ng kanilang “tahanan” kung saan mahigit 11,000 empleyado ang mawawalan ng trabaho.

Narito ang ilan sa mga artistang matapang na nagpahayag ng kanilang nararamdaman sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Ayon kay Liza Soberano, “Wish I could hug everyone I love from ABS-CBN right now. To all the employees who are greatly affected by this. I’m sorry. I’m sorry they aren’t sorry.”

Aniya pa, “To all the supporters of ABS-CBN, it’s programs, and it’s talents who stood by us through this journey. Thank you. Thank you for the endless tweets using the hashtags and thank you for your prayers. We may not be able to repay you right now, but in due time.

“Especially to all my supporters, Liza and LizQuen fanmily. Just reading your tweets right now brings tears to my eyes. Thank you for believing in me and for supporting my projects under ABS-CBN. I will forever be grateful to each and everyone. I love you all so much.”

Sabi naman ni Angel Locsin, na nakiisa pa sa isinagawang protesta at vigil sa labas ng Congress habang ginaganap ang botohon ng mga kongresista, durog ang kanyang puso sa kinahinatnan ng pakikipaglaban ng network.

“Tapos na po ang botohan. Kami po ay tulala at hindi alam kung anong gagawin. Gusto ko lang pong magpasalamat sa ilang taong pagtanggap nyo po sa amin sa inyong mga tahanan,” ani Angel.

Sey naman ni Kim Chiu, “We voted for our law makers into power hoping that they will act for the greater good. But, what happened today?
“What happened to the 13 hearings? ABS-CBN proved na walang violations ang nagawa. Why are we experiencing this? Why now? Why not help each other for the better?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending