outbrain

Agot bugbog-sarado sa fans nina Pacman at Jinkee pero nakasuntok pa rin

By Ervin Santiago July 10,2020
share this

Agot bugbog-sarado sa fans nina Pacman at Jinkee pero nakasuntok pa rin

By Ervin Santiago July 10,2020 - 06:15 PM

 

BUGBOG-SARADO man sa mga tagasuporta nina Sen. Manny at Jinkee Pacquiao, hindi pa rin nagpa-knockout sa kanila si Agot Isidro.

 

Pinanindigan ng aktres ang mga sinabi niya kay Jinkee hinggil sa pagpo-post nito ng mga mamahaling gamit sa social media ngayong panahon ng taggutom at pandemya.

 

Muling bumanat si Agot matapos dumepensa ang kampo ni Jinkee sa ginawa niyang pagpuna at panghihiya rito sa pamamagitan ng pag-retweet ng isang news item tungkol sa Hermes at Louis Vuitton bicycles na ibinandera ng misis ni Pacquiao sa Instagram.

 

Ani Agot kay Jinkee, sana raw ay makaramdaman naman ito ng “konting sensitivity” sa pagpo-post niya ng kanyang mga branded at mamahaling ari-arian dahil marami pa rin ang hirap na hirap sa buhay.

 

Dahil dito, kaliwa’t kanang pamba-bash ang inabot ni Agot. May mga tumawag sa kanya ng “inggitera” at “pakialamera.”

 

Naglabas din ng statement ang business manager ng pamilya Pacquiao na si Arnold Vegafria at sinabi kay Agot na huwag husgahan ang pagkatao ni Jinkee base lamang sa mga ipino-post niya.

 

“Such bountiful blessings are just the fruit of her husband’s esteemed legacy as an iconic Filipino boxing legend and businessman, and are not stained in any way by graft or corruption,” ani Arnold.

 

Ito naman ang sagot ni Agot sa kanyang tweet, “Sinabi ko naman na wala akong pakialam kung saan ginastos ang kaperahan.

 

“I’m sure marami na rin ang natulungan. ang sa akin lang, kailangan ba namin makita yan, sa gitna nang paghihirap na dinaranas ng nakararami?”

 

Aniya pa, “Sensitivity ≠ accountability iba po yun. Ktnxbye!”

 

Hirit pa ng aktres, mukhang hindi naman sa salitang “insensitive” naapektuhan ang kampo ni Jinkee kundi sa ginamit niyang hashtag na “nouveau (riche)” na isang French word na ang ibig sabihin ay “a person newly rich”.

 

“Ah so sa nouveau triggered. hindi sa insensitive. ok, noted po. (last na ito),” tila pang-aasar pa ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending