outbrain

KathNiel pangarap magkaroon ng sariling farm at hotel: Kami mismo ang magluluto para sa guests

By Ervin Santiago July 08,2020
share this

KathNiel pangarap magkaroon ng sariling farm at hotel: Kami mismo ang magluluto para sa guests

By Ervin Santiago July 08,2020 - 09:43 AM

PANGARAP ng Kapamilya couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang magkaroon ng sarili nilang farm at hotel.

Kasama ito sa bucket list ng magdyowa at ipinagdarasal nila na sana’y dumating ang araw na pareho nila itong matupad na magkasama.

Ayon kay Kathryn, matagal na nilang pinapangarap ni DJ ang magkaroon ng “breakfast place” kung saan sila mismo ang mag-e-entertain sa kanilang mga guests at clients.

“Dream ko kasi magkaroon kami ng parang boutique hotel at farm. Ako ang magma-manage nu’n, Ako magluluto.

“Gagawa ako ng mga rice bowls, ganyan. Tapos siya (Daniel), tutugtog lang siya doon,” pahayag ni Kath sa nakaraang fan session para sa Star Magic’s Love From Home series na napanood sa Facebook.

Pero sabi ng Kapamilya actress, limited lang ang tatanggapin nilang guests para mabigyan sila ng “best experience.”

“Ipagluluto namin sila, aasikasuhin, ganoon lang. Someday. Iyan ang goal natin,” ang chika naman ni Daniel.

Napag-uusapan na rin ng KathNiel ang tungkol sa magiging bahay nila in the future. Ani Kathryn, “Yeah. Siyempre dream namin iyong bahay namin in the future, pero hindi pa naman talaga iyon mangyayari kasi it’s too early.”

“Pero, of course, nandu’n iyon sa wishlist namin,” aniya pa na sinang-ayunan naman ni DJ.

Sa isang panayam, sinabi na rin ni Daniel na pinaghahandaan na rin niya ang kanyang kinabukasan at ng future family niya.

“Kaya nga tayo nagtatrabaho, kaya nga tayo pumirma ngayon dahil mayroon tayong kailangang asikasuhin for the future.

“Kailangan nating gawin na ngayon para sa panahong gusto mo na rumelaks, puwede mo na alagaan ang sarili mo, at siyempre ang partner mo,” ani DJ.

Walong taon nang magkarelasyon ang tinaguriang King & Queen of Hearts at marami ang nagsasabi na very soon ay mauuwi na rin ito sa bonggang kasalan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending