Kathryn kinarir ang pagpapaseksi, kumasa sa 3-day fitness challenge; 'AfterForever' ng KathNiel tuloy pa kaya? | Bandera

Kathryn kinarir ang pagpapaseksi, kumasa sa 3-day fitness challenge; ‘AfterForever’ ng KathNiel tuloy pa kaya?

Reggee Bonoan - July 06, 2020 - 01:28 PM

 

 

NAKATSIKAHAN namin ang isang kasama sa production ng gagawing pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang “#AfterForever”.

Ito’y ididirek ni Cathy Garcia-Molina na dapat sana ay patapos na ang shooting ngayong Hulyo ngunit dahil nagkaroon nga ng COVID-19 pandemic ay hindi na ito natuloy.

Ikalawang linggo sana ng Marso, 2020 ang lipad ng KathNiel patungong Amerika para sa shooting ng “#AfterForever” pero Marso 17 nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa bansa kasabay ng pagpapatigil ni Presidente Rodrigo Duterte ng lahat ng biyaheng panghimpapawid at pangdagat.

“Malamang 2nd quarter ng 2021 na ang shooting namin o baka 3rd quarter pa. Kasi marami pang aayusin at sisiguraduhing ligtas lahat. Ang tanong, sa Amerika pa ba gagawin dahil sa mga nangyari?” kuwento ng nakausap naming taga-production.

Dagdag pa niya, “Plus itong prangkisa ng ABS-CBN, sana naman maaprubahan kasi wala, eh, lahat hindi makakilos.
“‘Yung mga freelancer na tulad ko, buti may ibang ginagawa ngayon sa awa ng Diyos kahit paano may pangtawid-gutom para sa pamilya namin. Hindi man kalakihan ang kita, nakakaraos pa rin,” aniya pa sa amin.

Hindi naman niya binanggit sa amin ang ginagawa niyang project sa ngayon dahil bawal pa pero sa online raw ito mapapanood.

Going back to Kathryn and Daniel, naging abala naman ang dalawa sa kani-kanilang ganap habang naka-stay at home. Pareho rin nilang nabigyan ng sapat na panahon ang pagwo-workout.

Kamakailan ay nag-post si Kathryn sa Instagram ng mga ginagawa niyang exercise araw-araw, kabilang na riyan ang pagbubuhat ng nag dumbbells.
“As you all know, since the quarantine began, I’ve been keeping myself busy by working out. But this time around, I pushed myself further with a 3-day fitness challenge!

“I asked three different trainers’ to guide me virtually (thank you @jabes240, @lovelyabella_ & @bodybymamakat) and they also revealed some workout tips for everyone. New video now up on #EverydayKath!” caption ni Kathryn sa kanyang post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending