'Hindi na ibuburol ang namatay na tatay nina Angelika at Mika' | Bandera

‘Hindi na ibuburol ang namatay na tatay nina Angelika at Mika’

Reggee Bonoan - July 06, 2020 - 11:24 AM

 

NGAYONG araw ang cremation ng labi ni Daddy Ernie dela Cruz, ang ama ng magkakapatid na Angelika, Erick at Mika.

Ayon kay Mommy Angelika Egger, ina ng magkakapatid, walang burol o lamay na magaganap.

“Daddy died of COVID complications, there is no burol. He will be cremated tomorrow,” sabi niya sa amin kagabi.

Inabot ng 20 days sa Coronary Care Unit o CCU si Daddy Ernie at ang naunang findings sa kanya ay heart and lung failure due to pneumonia. At nitong Sabado nga ay natanggap ng pamilya Dela Cruz ang masakit na balita.

Mensahe ni Angelika, “Daddy you are my best friend ang kakampi ko sa lahat. I’m heartbroken dahil iniwan moko agad. I love you so much Dad. Mabuti kang tao na maraming tinulungan.

“Pahinga ka na. Rest in Peace Dad masaya ako para sayo at mag kasama na kayo ni Edward till we meet again mahal na mahal kita #daddysgirl.”

Sinubukan naming makausap si Mommy Egger habang tinitipa namin ang balitang ito para tanungin kung saan ang cremation at kung saan ang huling hantungan ni Daddy Ernie pero mukhang abala pa silang nag-aayos ngayon dahil maikling sagot niya sa amin, “I’ll inform you later.”

Nagpadala naman kami ng mensahe ng pakikiramay kay Angelika, “Thank you, grabe heartbroken ako,” sagot niya sa amin.

Bumuhos din sa social media ang pakikiramay ng mga kaibigan ni Angelika sa mundo ng showbiz, kabilang na riyan sina Judy Ann Santos, Gladys Reyes,Tanya Garcia, Gabby Eigenmann at marami pang iba.

Mula sa BANDERA, ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga naiwan at naulila ni daddy Ernie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending