Dating kaibigan-publicist pinatawad na ni Sharon: Hindi kita idedemanda, I'll try my best to forget | Bandera

Dating kaibigan-publicist pinatawad na ni Sharon: Hindi kita idedemanda, I’ll try my best to forget

Ervin Santiago - July 06, 2020 - 11:25 AM

 

 

PINATAWAD na ni Megastar Sharon Cuneta ang dating kaibigan at publicist na si Ronald Carballo.

Ayon sa singer-actress, sa kabila ng mga ginawang kasalanan nito sa kanya at sa dami ng masasakit at malilisyosong artikulo na isinulat nito tungkol sa kanya, kalilimutan na lamang niya ang lahat.

Sa bagong vlog na naka-post sa kanyang YouTube channel, sinabi ni Mega na hindi na niya idedemanda ang dating publicist dahil kahit paano’y may pinasamahan pa rin sila.

Sana raw ay magsilbi na itong aral kay Ronald at gamitin ang isa pang chance na ibinigay sa kanya sa malabuluhan at maka-Kristiyanong paraan.

“Ronald Carballo has written so many vile things about me for almost 20 years, 15, 20 years. Thank you for your letter of apology kahit dinelete mo yun.

“I read it. It was shared so many times. I even shared it. I appreciate that. And that’s enough for me,” simulang pahayag ng Kapamilya actress.

Patuloy pa niya, “You claimed to be a Christian but you did not act like one. I am a Christian and though it’s hard for me, I try to obey. Because of that, I forgive you. I will try my best to forget.

“But one thing I will not do is sue you. Hindi kita idedemanda Ronald. Dahil may pinagsamahan naman tayo. At sana, gawin mo itong pagkakataon para magbago, bumalik sa Panginoon, at gamitin ang talento mo sa pagsulat sa mabuti.

“That’s all I have to say. Please use this chance and learn from this lesson. That is the Christian way,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, tungkol naman sa taong nagbanta na gagahasain nito ang anak niyang si Frankie Pangilinan, wala na sa kanya ang desisyon kung sasampahan pa ito ng mga kaukulang kaso.

“Yung kay Sonny Alcos, si Frankie ang magpa-file nu’n kapag nag-decide siya. Hindi ako, because she’s an adult and that’s her choice,” pahayag ni Mega.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending