Kim sa bagong CDO laban sa ABS-CBN: Gusto mo magsalita pero di mo magawa…may trauma na
“PARANG personalan na.” Iyan ang nararamdaman ni Kim Chiu sa pagpapatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) sa operasyon ng ABS-CBN TV Plus at SKY Direct.
Simula noong June 30, wala nang mapapanood sa TV Plus at Sky Ditect ng ABS-CBN sa Metro Manila dahil sa bagong Cease and Desist Order ng NTC.
Kahit na posibleng ma-bash na naman siya, matapang pa ring inihayag ni Kim ang kanyang saloobin hinggil dito.
Sa kanyang Instagram Stories, ni-repost ng Kapamilya actress ang official statement ng ABS-CBN tungkol sa alias Cease and Desist Order ng NTC laban sa TV Plus.
Sa caption nito, nakasulat ang mensaheng, “Minsan mapapaisip ka nalang talaga. Gusto mo magsalita pero di mo magawa.”
Alam naman ng lahat ang ginawang panglalait at pambabastos kay Kim sa social media dahil sa sablay na paliwanag niya noong kuwestiyunin at ipagtanggol niya ang pagsasara ng ABS-CBN.
“May takot, kaba, trauma. Nakakalungkot na pinagdadaanan ng lahat ng kapamilya ito.
“Ayaw ko man isipin pero parang personalan na… wala akong tinutukoy, eto lamang ay nasa isip ko lang…. grabe lang. Grabe,” saad pa ni Kim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.