Sharon biglang nanahimik, may pasabog laban sa dating publicist?
KUNG susundan ang timeline, mabilis at tapos kaagad ang isyung sangkot si Sharon Cuneta at ang kanyang dating publicist.
Or is it, really?
Inilabas na nga ni Sharon nang todo ang kanyang galit in her social media account laban kay Ronald Carballo. It was probably the lengthiest rant na nabasa namin by an angry celebrity, na hindi maiwasang maglaman ng mga sumbat sa isang taong dating malapit sa kanya.
Sa totoo lang, the language was far from being attributed to Sharon dahil Inglisera ang singer-actress. Tulad din siya ng marami sa atin, karaniwang ang mga lumalabas na expletives mula sa ating bibig are in the vernacular.
Mas tagos nga naman sa buto.
Sinundan ‘yon ng pagkahaba-haba ring litanya ni Ronald na abut-abot ang paghingi ng sorry, sa paraang sa isip-isip niya was worthy of forgiveness with reference ng kanilang masayang pinagsamahan.
‘Yun ang akala ni Ronald. What came as even more insulting ay ang pag-repost ni Sharon ng naturang open letter na ‘yon nang wala siya ni katiting na comment o reaksyon.
Doon—sa aming pagkakaalam so far—natapos ang kuwento.
Hindi na nag-post ng kung anupaman muli si Sharon. As for Ronald, walang dahilan para susugan pa niya ‘yon ng another post.
The least that Ronald could do is to pray na wala sanang ibig sabihin ang kakatwang pananahimik ni Sharon.
‘Yun ang nakakakaba. Mas maganda nga sana had Sharon further taken to social media her indignant feelings toward Ronald. Chances are kasi ay may posibilidad pa that in due time ay mahihimasmasan si Sharon at huhupa rin ang galit nito.
Sa halip ay tungkol sa ibang paksa ang mga recent posts ni Sharon. Maging ang asawa nitong si Sen. Francis Pangilinan ay hands-off din sa isyu.
Kung may ibig ipakahulugan nga ang pananahimik ni Sharon, ibig kayang sabihin nito’y may inihahanda siyang hakbang na tiyak na ikagugulat ni Ronald?
Is Sharon simply biding her time para sa isang pasabog which Ronald could not have imagined na kayang gawin ng megastar?
Or is Sharon giving more priority du’n sa mga lalaking nambastos sa kanyang anak na si Frankie sa social media, at ito ang tinatrabaho niya?
Pero kung kilala ng marami si Sharon, hindi siya suki ng mga asunto palibhasa she lives a peaceful life. Her Christian, God-fearing values have never taught her the “an-eye-for-an-eye-a-tooth-for-a-tooth” kind of getting even with her aggressors.
As long as masaya siya, matagumpay siya, she’s blessed with a wonderful family ay sapat nang “paghihiganti” laban sa kanyang mga kaaway.
Kunsabagay, Sharon would not have become who she is today kung hindi niya tinataglay ang isang mabuting puso.
* * *
Si Ashley ay kapitbahay naming hairstylist at salon worker sa Pasay City. Nang magka-lockdown bunga ng pandemic ay isa siya sa mga displaced employees ng isang kilalang salon na may branch sa Baclaran.
To survive ay nagho-home service si Ashley. Pero delikado pala ‘yon, na baka hindi lang niya ikapahamak kundi ng kanyang mga kostumer din.
Wala siyang choice. Nagbukas mang muli ang pinagtatrabahuhan niyang salon, he can barely eke a living mula sa paggugupit lang.
Panalo kasi ang kita ng mga parlorista sa ibang serbisyo tulad ng rebond, hair coloring at iba pa.
Si Ashley ay isa lang sa napakaraming umaasa na tutugunan ng DOH at DTI ang hiling ni ACT-CIS Party List Rep. Nina Taduran (also the House Assistant Majority Floor Leader) na muling buksan ang mga salon sa mas maraming serbisyo.
Katwiran ng kongresista, as long as naipatutupad ng mga salon owner ang mga safety protocol laban sa banta ng COVID-19 ay maaari nang magbalik-operasyon ang kanilang mga establismiyento.
Hindi naman din para ilagay ng mga trabahante nito sa peligro ang kanilang mga sarili. Mas delikado pa nga raw kung magho-home service ang mga ito.
Si Congw. Nina ba ang naisip lapitan ng sektor na ito dahil halatang alagang-salon ang beauty niya sa Kongreso? What do you think, Chief of staff Eric Arevalo?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.