Dingdong nanindigan sa grupong AKTOR: Ibalik ang kapangyarihan sa tunay na bida ng bansa | Bandera

Dingdong nanindigan sa grupong AKTOR: Ibalik ang kapangyarihan sa tunay na bida ng bansa

Ervin Santiago - July 02, 2020 - 10:51 PM

NAGSANIB-PWERSA na ang ilang mga artista para magsilbing boses ng mga taga-entertainment industry sa mahahalaga at kontrobersyal na mga issue sa bansa. 

Tinawag na AKTOR: League of Filipino Actors, magsasama-sama rito ang mga local celebrities para manindigan sa kanilang kapakanan at karapatan partikular na sa pangangalaga sa freedom of expression bilang content creators.

Sa pangunguna ni Dingdong Dantes, inihayag ng grupo sa Facebook Live broadcast kung bakit at paano nabuo ang AKTOR. Ilan sa mga national issue na nais nilang tutulan ay ang Anti-Terror Bill, ang ABS-CBN shutdown at ang mga guidelines sa pagsu-shooting mula sa Film and Development Council of the Philippines (FDCP).

Narito ang ilang bahagi ng statement ng AKTOR na binasa ni Dingdong: “Bakit ganu’n na lamang ang naging kalakaran? Ano ang mga ito? Ang mga ito ba ay sintomas ng mas malaking sakit na kasabay ng COVID-19?” 

“Hindi maiwasang isipin na ang lahat ng mga nangyayari ay may layunin. Ang lahat ng mga utos na ito ay may layuning kontrolin ang daloy at esensya ng pagkwento. 

“Ang mapigilan ang paghahayag ng mga tunay na kwento ng bayan. Ang lahat ng ito ay lumilikha ng kultura ng takot.

“Madalas itinuturing na lamang ang karamihan ng mga aktor na mga manika at tau-tauhan na panlibang at nagdudulot ng saya.

“Dala na din siguro ito ng maling pag-unawa sa totoong kalagayan ng mga aktor sa kabuuan. Tapusin na natin ang ganoong pananaw,” paliwanag ng Kapuso Primetime King.

Dugtong pa niya, “Tumitindig ang AKTOR ngayon bilang responsible at mahalagang bahagi ng lipunan at kinatawan ng industriya. “Ipinapahayag namin ang mariing pagtutol sa anumang batas at kautusan na sumasagka sa aming malayang paglikha. 

“Tinatanggihan namin ang anumang panghihimasok sa mga proseso ng industriya nang walang tunay na konsultasyon sa mga manggagawa nito. 

“Iginigiit namin na dapat bukas at malaya ang anumang daluyan ng impormasyon at likhang sining para sa kapakanan ng higit na nakararami.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nananalig kami sa kakayahan ng malilikhang Pilipino na baguhin ang takbo ng kuwento, iparating sa mga ikinauukulan ang pinakanapapanahong sentimyento ng Pilipino na siyang dapat bigyang paunahing pansin, at ibalik ang kapangyarihan sa tunay na bida ng bansa —ang mamamayan,” mensahe pa ng mister ni Marian Rivera.

Ilan sa mga members ng AKTOR ay sina Agot Isidro, Janine Gutierrez,  Angelica Panganiban, Iza Calzado, Cherry Pie Picache, Gabbi Garcia, Gabby Eigenmann, Glaiza de Castro, Jasmine Curtis, Joel Torre at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending