outbrain

Kris sa lovelife: I’m praying for an age appropriate life partner

By Julie Bonifacio June 29,2020
share this

Kris sa lovelife: I’m praying for an age appropriate life partner

By Julie Bonifacio June 29,2020 - 03:36 PM

KINILIG ang  ilang netizens sa ipinost na picture ni Kris  Aquino sa kanyang social media accounts nitong nagdaang weekend.

     Paano kasi, katabi ni Kris ang abogadong si Atty. Gideon Peña habang nagdi-dinner sa bahay nila kaharap ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby.

    Tsika ni Kris sa inilagay niyang caption sa litrato nila habang nagdi-dinner, “real friend” daw niya si Atty. Gideon.

    Ito ang buong caption ni Kris sa kanyang IG post, “Someone will now patiently discuss the ending of MISTY and DESIGNATED SURVIVOR: 60 DAYS (Korean flag) with me… it’s a gift to have a REAL FRIEND. Happy weekend.”

       Siya ang abogadong binanggit ni Kris  sa  past IG post niya  na nag-remind sa kanya ng confidentiality clause  sa pinirmahan niya na bagong kontrata sa bagong TV network na lilipatan niya.

     Actually, kung pagbabasehan ang sinabi ni  Kris na “new partner”  or bagong TV network para sa pinirmhang kontrata niya ibig sabihin out na ang ABS-CBN at GMA 7. 

    Eh, ano pa ba ang TV network ang hindi pa napupuntahan ni Kris kundi ang TV5 na balitang-balita ring bubuhaying muli ang kanilang entertainment department.

    Anyway, ito ang ilan sa mga nabasa naming  comment sa  Facebook post ni Kris regarding sa photo nila ng kids niya with the mysterrious guy or should we say suitor?

     “Wowww!! love seeing them this way!!…sana c Atty. G nlng ang forever ni Kris!!!”

       Say naman ng may account name na Sun Yram Ianglenn, “Bff lang!.Naku, naku, naku! Daming love affairs especially sa showbiz ang nagsisimula sa pagiging magkaibigan, hah!”

   Hirit ni  Sun Yram Ianglenn, “Sana nga bagay sila.”

      Sabi naman ni Emm Mms, “YOU really look HAPPIER And OMG with Atty Gideon  GOD AND THE UNIVERSE BLESS YOU MORE KRIS.”

    At ito naman ang sabi ni Vianney  St. John, “Happy bonding with your 2 adorable boys Ms. Kris and a real friend atty. Gid Peña. may this be a regular foursome bonding.” 

   

    In fairness, marami ang kinilig na netizens when they found out na si Atty. Pena yung guy na ka-dinner ni Kris sa bahay  niya. Aba, kung  bumubwelo lang para manligaw kay Kris ang lawyer ay wala naman sigurong masama.

     Una, nasilip namin ang ilang  personal info about him sa kanyang Facebook account. Nakalagay sa relationship status niya, he’s single.  Ipinanganak siya noong June 12, 1989. So, that makes him 31 years old now.

    Graduate siya ng Political Science sa UST Legazpi at nagtapos ng Law sa FEU.  Law instructor siya sa FEU Institute of Law at nagtatrabaho rin sa Insular Health Care. 

     Bongga ang resumè, di ba?

    Kaya lang, binasag naman agad ni Kris ang kilig ng  IG follower niya na may account name na @cutetotit, “I am praying for an age  appropriate life partner.”

    Although, di naman sinabi exactly ni Kris kung ilan taon ang lalaking ipinapanalangin niya to be her partner, kaya baka pasok pa rin ang edad ni  Atty. Peña.

    Pero sa pag-ibig naman may kasabihan na age doesn’t matter. Example na diyan ang dating BFF ni Kris na si Comedy Queen Ai Ai delas Alas na mahigit sampung taon ang diperensya ng edad sa  mister niyang si Gerald Sibayan.

                                     

      

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending