Presyo ng produktong petrolyo tataas bukas
Leifbilly Begas - Bandera June 29, 2020 - 12:20 PM
MULING tataas ang presyo ng produktong petrolyo bukas.
Nagkakahalaga ng 70 sentimos kada litro ang itataas ng presyo ng gasolina, 30 sentimos naman sa diesel at 40 sentimos naman sa kerosene.
Alas-6 ng umaga ipatutupad ng Shell, SeaOil, at PetroGazz ang pagtataas ng presyo at alas-4:01 ng hapon naman ang CleanFuel.
Alas-12:01 ng umaga naman ipatutupad ng Chevron ang pagtaas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending