Xian Lim na-shock sa presyo ng asin sa grocery store: Du'n tayo sa pinakamura!  | Bandera

Xian Lim na-shock sa presyo ng asin sa grocery store: Du’n tayo sa pinakamura! 

Ervin Santiago |June 28,2020
facebook
share this

Xian Lim na-shock sa presyo ng asin sa grocery store: Du’n tayo sa pinakamura! 

Ervin Santiago - June 28, 2020 - 04:07 PM

#SHOOKT ang Kapamilya actor na si Xian Lim nang magpunta siya sa isang grocery store para mamili ng kanilang food and home supplies.

Dahil sa halos tatlong buwang naka-stay at home dahil sa community quarantine dulot ng COVID-19, nahilig din sa pagluluto si Xian.

At kahapon nga, personal na nag-grocery ang boyfriend ni Kim Chiu para sa mga nakatakda niyang lutuin for the day. 

Dito nga napatunayan ng binata kung gaano na kamahal ang mga bilihin ngayon. Sa katunayan, nagulat siya sa presyo ng asin na bibilhin sana niya.

Sa isang video na ipinost niya sa Instagram, mapapanood ang pagtingin ni Xian ng asin sa grocery. 

Nilagyan niya ito ng caption na, “Shopping for ingredients be like… It’s a numbers game for me. Real talk though…prices all the way up to the roof.

“Cooking vlog will be posted tomorrow! (Link in Bio to subscribe).” 

Sa video, makikitang unang dinampot ni Xian ang tinatawag na Himalayan salt dahil may health benefits daw na makuluha rito.

Pero nagulat siya nang makita ang presyo nitong mahigit P300 saka lumipat ng pwesto, “Dito tingnan natin kung ano yung pinakamurang asin.”

Itinuro ng aktor ang pakete ng asin na mas murang di hamak sa una niyang napili, “Ito 27 pesos lang, e di dito na tayo sa mas murang asin.”

Maraming netizens ang naka-relate sa experience ni Xian sa grocery na first time ring namili ng food supplies sa gitna ng lockdown. Talagang na-shock din daw sila sa presyo ng mga pangunahing bilihin ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending