Sasali sa Adopt-a-School may tax discount | Bandera

Sasali sa Adopt-a-School may tax discount

Leifbilly Begas - June 28, 2020 - 02:06 PM

NANAWAGAN si House committee on Basic Education and Culture chairman at Pasig City Rep. Roman Romulo sa mga pribadong korporasyon sa bansa na sumali sa Adopt-a-School program upang mabawasan ang kanilang babayarang buwis.

Ayon kay Romulo maaaring mabigay ang mga kompanya ng mga online learning tools sa mga pampublikong paaralan upang magtulungan ang mga estudyante sa new normal.

At 150 porsyento ng halaga na kanilang ibinigay ay maaaring ibawas sa kanilang gross taxable income. Kung ang isang kompanya ay magbibigay ng P10 milyong halaga ng donasyon, babawasan ang kanyang taxable income ng P15 milyon.

“Business process outsourcing companies, for instance, can donate brand new or even secondhand desktop computers, laptops or tablets for home use by both students and teachers, while those in telecommunications can sponsor free data plans to facilitate remote learning over the Internet,” ani Romulo.

Sinabi ni Romulo na mayroong guidelines ang Department of Education sa pagbibigay ng tax benefits sa mga nagbibigay ng donasyon.

“We would urge new donors to get in touch with the DepEd’s External Partnerships Service Secretariat for more details on the mechanics of the ASP.”

Ang Adopt-a-School Program, sa ilalim ng Republic Act 8525, ay itinayo noong 1998 upang hikayatin ang mga pribadong kompanya na tumulong sa pagpuno sa kakulangan sa pampublikong paaralan.

Ang mga maaaring i-donate ay desktop computers, laptops, tablets, e-books, educational films, e-libraries, TV sets, Internet connectivity at cable TV services.

Maaari ring mag-donate ng used o second hand gadgets.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending