HINIKAYAT ng Quezon City government ang mga residente nito na mag-urban gardening.
Ang maliit na hakbang na ito ay makatutulong umano sa pagpapataas ng food security ng siyudad.
“Sa simpleng pagtatanim sa bakuran ng iba’t ibang uri ng gulay, malaki na ang maiaambag nito para masigurong may pagkukunan ng pagkain sa hinaharap,” ani Mayor Joy Belmonte sa isang pahayag.
Pinirmahan ni Belmonte ang Executive Order 32 upang buohin ang QC-Food Security Task Force (QC-FSTF) upang pataasin ang kakayanan ng lungsod na lumikha ng sarili nitong pagkain.
Ayon kay Emmanuel Velasco, co-chair ng QC-FSTF, nakikipagtulungan ito sa Department o Agriculture para mapaganda ang programa.
Nakapamigay na ang lungsod ng #GrowLocal: Libreng Binhi Starter Kits sa ilalim ng “Joy of Urban Farming” (JOUF) program na sinimulan noong 2010.
“The city government has disbursed over 12,000 starter kits that contain various kinds of seeds, 2 kilos of organic fertilizer, 3 potting bags, trowel, seedling tray and a guide on proper planting, to be distributed to its residents,” ani Tina Perez ng JOUF.
Ang programa ay alinsunod sa rekomendasyon ng Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations.
Inirekomenda ang UN-FAO ang pagtatayo ng food security task force, pagkakaroon ng food security plan para sa COVID-19, “Plant, Plant, Plant” program na upang maitaguyod ang urban agriculture, at pagsuporta sa lokal na produkto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.