Beauty sumabak sa PNP-ASG training; handang makipagsagupaan para sa bayan | Bandera

Beauty sumabak sa PNP-ASG training; handang makipagsagupaan para sa bayan

Ervin Santiago |June 27,2020
facebook
share this

Beauty sumabak sa PNP-ASG training; handang makipagsagupaan para sa bayan

Ervin Santiago - June 27, 2020 - 09:57 AM

NAKAHANDANG makipagsagupaan ang Kapamilya actress na si Beauty Gonzalez para sa kaligtasan ng sambayanang Filipino.

Ito ang ibinandera ni Beauty sa kanyang Instagram post kung saan makikitang may hawak siyang baril at nakasuot ng police battle gear.

Inakala ng ilan niyang fans and IG followers na ito’y paghahanda lang para sa bago niyang role sa teleserye o pelikula pero sinabi ng aktres na ito’y pang-true to life at hindi acting lang.

Aniya, sumasailalim siya ngayon sa training para sa special operations unit ng Philippine National Police-Aviation Security Group.

Nitong nakaraang araw, nagsimula ang journey ni Beauty bilang PNP operative kung saan pinagsuot nga siya ng all-black police gear ng Special Operations Unit (SOU) para sa weapons and tactics training.

Ipinost ng aktres sa IG ang ilan sa mga litratong kuha sa training at nilagyan ng caption na, “Don’t Tread On Me [snake symbol] Weapons and tactics training with the Men and Women of the Police Special Operations Unit, Aviation Security Group.

“Not for a Show, Not to train for a show, But to serve, in any possible way i can, When called upon,” aniya pa.

Humanga kay Beauty ang mga netizens at nagsabing na-inspire rin sila na mag-join sa training. Ramdam daw nila ang tapang at sinseridad nito sa kanyang pagmamahal sa bayan at sa kapwa Filipino.

Pero may ilan namang nagkomento na parang pictorial lang at hindi makatotohanan ang mga ipinost niyang litrato sa IG.

Comment ng isa niyang follower, “I wonder if regular citizen undergoing the same training can strike a pose as such.”

Sagot naman sa kanya ng aktres, “It’s actually not a pose but part of a drill. The Photographer just happened to be at the right place at the right time to get this interesting shot.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kahapon, nag-post uli ang Kapamilya actress ng ilan pang litrato kung saan makikita na ang iba pa niyang nakasama sa training.

Caption niya sa kanyang mga photo, “Call Of Duty PH S.O.U Aviation Security Group.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending