Dina kinarir ang pagbabasa ng Bible; Bea, Derrick instant sikat sa Malaysia | Bandera

Dina kinarir ang pagbabasa ng Bible; Bea, Derrick instant sikat sa Malaysia

Ervin Santiago - June 26, 2020 - 09:27 AM

SINISIGURO ng award-winning actress na si Dina Bonnevie na magiging makabuluhan ang bawat araw na lumilipas kahit naka-stay at home lang siya sa probinsya.

Ayon kay Ms. D, sulit na sulit pa rin ang ilang buwang pamamalagi niya sa bahay kasama ang kanyang asawa during the community quarantine. 

Isa sa mga ipinagpapasalamat ng  “Anak ni Waray vs Anak ni Biday” actress ay araw-araw niyang nakaka-bonding ngayon ang asawang si Ilocos Sur Rep. DV Savellano. Dahil dito, mas tumatag pa ang relasyon nila.

Aniya, “Paggising sa umaga, immersion kami ng asawa ko sa Bible. Parang we made it to a point to study the Bible. We started during the time. Hindi lang ‘yung reading, talagang inaaral namin.

“After that, bababa na ‘ko, luto na ‘ko ng lunch. Pagkatapos ng lunch, tulong sa hugas-hugas ng pinggan and then akyat na, compu-computer,” kuwento ni Dina.

Marami rin siyang natutunan na lutuing mga bagong putahe habang nasa bahay lang. 

“Tapos ‘yung mga niluluto ko pinapadala ko sa Valle Verde, pinapadalhan ko si Danica (Sotto). Si Danica naman, padadalhan niya ‘ko ng mga bineyk niyang bread,” dagdag pa ng veteran actress.

                           * * *

Recently ay nag-tweet ng pasasalamat ang Kapuso actress na si Bea Binene sa kanyang Malaysian fans. 

Successful kasi sa bansa ang airing ng GMA series na “Hanggang Makita Kang Muli” na pinagbidahan nina Bea at Derrick Monasterio. 

Sey ng aktres, hoping daw siyang makabisita sa bansa kapag safe na mag-travel ulit, “Until We Meet Again (Hanggang Makita Kang Muli in PH) is currently airing in Malaysia! 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thank you for all the love! I can read all your comments and feedback and I’m happy that you like the show. 

“I hope I can visit your country once it’s already safe to travel and meet you!” mensahe ni Bea sa mga taga-Malaysia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending