Imee: Purified water mahal na, pero malinis ba? | Bandera

Imee: Purified water mahal na, pero malinis ba?

Liza Soriano - June 25, 2020 - 12:42 PM

NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa Department of Trade and Industry (DTI) na imbestigahan ang mga water refilling station para matiyak kung malinis ang ipinabibili nitong purified water, kabilang na ang pagtaas ng presyo nito sa panahon ng pananalasa ng COVID-19.

Ayon kay Marcos, kalimitan ngayon ng ipinagbibiling 5-gallon water container ng purified water ay nakapagtatakang tumaas ang presyo kung ikukumpara sa kaparehas nitong purified water na ipinagbibili bago pa ang lockdown.

“Ang binibili na kasi ngayon e, yung purified water, pero ang problema nga bakit merong nagtitinda ng mahal at merong mas mura? Parehong purified water pero bakit meron mataas kung magbenta?” tanong ni Marcos.

Sa kasalukuyan, ang presyo ng 5-gallon water container ng isang purified water, may gripo o wala, ay nagkakalaga ng P25 at ang iba namang water refilling station ay ipinagbibili ito sa halagang P30 hanggang P35 kahit na walang pagkakaiba sa kanilang produkto.

Sinabi ni Marcos, dapat kumilos kaagad ang DTI at kung kinakailangan ay magpatupad ng SRP sa mga produkto ng water refilling station para maiwasan ang pagsasamantala sa mga consumers ng mga tiwaling negosyante.

Hiniling din ni Marcos sa mga kinauukulan ahensiya na bantayan at magsagawa ng inspeksiyon sa mga water refilling station kung sumusunod ang mga ito sa kautusan tulad ng pagpapaskil ng sanitary permit kabilang na ang resulta ng monthly bacteriology water examinations.

“Ang dami kasing reklamo, hindi lang sa mataas ng presyo ng purified water, kundi ang maruming lalagyan ng tubig, kasi nga, mukhang hindi mabuting nahuhugasan. Bigyan dapat kasi ng proper seminar at training ang mga empleyado,” paliwanag ni Marcos.

Sinabi pa ni Marcos na sa panahong na patuloy ang COVID-19, ang maayos na paghuhugas ng water container, pagsusuot ng proper working garment at personal proptective gear tulad ng hairnets, face mask at apron sa loob ng water refilling station ay dapat na sundin.

“Dapat kasing magkaroon ng regular na inspeksiyon ang mga water refilling station at makita kung regular na pinapalitan ang kanilang mga filter sa tubig… kasi nga talagang delikado yun sa kalusugan ng kanilang mga customers,” paglilinaw pa ni Marcos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending