Transgender beauty queen binatikos sa 'hindi na equality' campaign ng LGBTQ: I know mali ako, I'm sorry  | Bandera

Transgender beauty queen binatikos sa ‘hindi na equality’ campaign ng LGBTQ: I know mali ako, I’m sorry 

Ervin Santiago - June 25, 2020 - 10:56 AM

MATAPOS makatikim ng kaliwa’t kanang banat, biglang bawi ang transgender beauty queen na si Kevin Balot sa naging pahayag niya tungkol sa pagsali ng transwomen sa beauty pageants.

Nilinaw ni Kevin ang sinabi niya na ang pagrampa ng mga tulad niya sa   mga traditional beauty pageants tulad ng Binibining Pilipinas ay “not equality anymore.”

Naging guest si Kevin sa online “Queentuhan” kasama sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Mutya ng Pilipinas Intercontinental 2010 Carla Lizarda at Binibining Pilipinas International 2014 Bianca Guidotti. Si Kevin ang nanalong Miss International Queen noong 2012.

Sey ni Kevin, “We transwomen always ask for equality. Us transgender women joining sa mga Miss Universe is not equality anymore.

“Hindi lang ako sang-ayon sa gano’ng bagay kasi we have our own pageant. We have our Miss International Queen pageant, which is the most prestigious transgender beauty pageant,” aniya.

Dugtong ng transgender beauty queen, “If us joining pageant ng mga babae, hindi na siya equality e, parang asking too much na.” 

Mabilis na kumalat at pinag-usapan sa social media ang naging statement ni Kevin na naging most-talked-about topics pa sa Twitter.

Marami ang nam-bash sa kanya kaya naman ilang oras lang ang nakalipas matapos ang nasabing podcast, nagbigay agad si Kevin ng paglilinaw sa issue.

Tweet niya, “Hello everyone! Gusto ko lang po i-clear ‘yung confusion. Hindi naman po sa naniniwala ako na hindi dapat sumali ang transgender women sa traditional pageants.

“What I meant was bilang isang representative ng Miss International Queen, gusto ko lang na ma-recognize ang pageant na ito as the most prestigious pageant for transwomen.

“I know na mali ako for saying na ‘too much’ na or ‘hindi na equality’ ‘yun pero just know na hinding-hindi po ‘yun ang paniniwala ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I just used the wrong terms dahil hindi po ako ganu’n kagaling at expressing myself in English.

“Thank you for all your comments and bubulay bulayin ko po lahat yun para ma improve ang way of thinking ko. Please know na kaisa nyo ako sa pakikipaglaban para sa pagkakapantay pantay ng lahat. I’m really sorry for the confusion,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending