Thea naka-graduate na sa college; Jak nagtagumpay dahil sa paalala ni Kuya Germs | Bandera

Thea naka-graduate na sa college; Jak nagtagumpay dahil sa paalala ni Kuya Germs

Ervin Santiago - June 25, 2020 - 09:41 AM

PARA sa Kapuso hunk actor na si Jak Roberto, ang GMA series na “Meant To Be” ang pinaka-highlight ng kanyang showbiz career. 

Ito kasi ang nagbukas ng maraming oportunidad para sa kanya.

“Ang proudest Kapuso moment ko is nung nag-audition ako sa Meant To Be at nakuha ako bilang isa sa lead stars nito na si Andres dela Cruz, a.k.a. Andoy, na isang Pinoy na torpe at mapagmahal sa kanyang pamilya. 

“Yun kasi ‘yung first lead role ko at ‘yun din ‘yung nagbigay ng opportunity para sa akin na mabigyan pa ng iba’t ibang projects na ako naman ang leading man, and maraming pumasok na opportunity pa,” paliwanag ng boyfriend ni Barbie Forteza.

Pagbabahagi pa ni Jak, ilan sa mga natutunan nito sa GMA Network mula nang mapasama sa “Walang Tulugan with the Master Showman” ay ang pakikisama at pagbibigay respeto sa lahat ng nakakasalamuha mo. 

Yan ang talagang itinuro sa kanila ni Kuya Germs, “Kasi, dito sa trabahong ito, pakisamahan talaga, e. Dapat may respeto ka lalo na sa mga senior actor, at sa mga lagi mong nakakasama na mga cameraman at production staff,” chika ng binata.

And of course, sa “Meant To Be” rin nagsimula ang espesyal na relasyon nina Jak at Barbie — mula sa pagiging magka-loveteam sa harap ng camera naging totohanan din ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

                          * * *

Congratulations dahil ganap na ring degree holder ang Kapuso actress na si Thea Tolentino matapos  gumradweyt sa kolehiyo nitong nagdaang weekend.

Nakapagtapos si Thea ng kursong Bachelor of Arts in Business Administration Major in Public Administration sa Trinity University Asia. Tanong ng marami, paano raw niya napagsabay ang pag-aartista at pag-aaral?

Hindi raw ito naging madali pero nagpapasalamat siya sa lahat ng tumulong sa kanya sa journey na ito.

“Minsan talaga galing taping, makakapunta na ako ng school walang ligo, gano’n. Talagang tyinaga ko kahit duling na ako minsan. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tapos very considerate rin kasi ‘yung mga professor. Tsaka may mga classmate ako na talagang willing to help kaya nairaos ko talaga siya,” sey ng magaling na kontrabida.

Dagdag pa ng aktres, iba pa rin ang may pinanghahawakang diploma. Para raw kay Thea, madadala ng tao ang edukasyon sa kanyang buong buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending