Milk tea shop lumabag sa dine-in guidelines
ISANG milk tea shop ang binigyan ng notice of violation ng Quezon City government dahil sa paglabag umano ng dine-in guidelines.
Nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Business Permits and Licensing Department (BPLD), QC Tourism Department (QCTD) Department of Public Order and Safety (DPOS), at QC Health Department (QCHD) kahapon.
Dito umano nadiskubre ang paglabag ng Infinitea sa Maginhawa street. Wala umanong thermal scanner, health and safety officer at logbook para sa mga pumapasok na kustomer.
“The logbook is very vital for contact tracing in the event na may mag-positive na isa na nagpunta sa store nila,” ani BPLD head Margarita Santos.
Nanawagan si Santos sa publiko na iparating sa kanila ang mga dine-in restaurant sa pamamagitan ng email ([email protected]) o pagtawag sa Hotline 122 sa halip na idaan ito sa social media.
“Sensitive kami sa mga report sa social media pero ang pakiusap natin, huwag dito idaan ang reklamo dahil mayroon tayong sinusunod na proseso upang mapanagot ang mga restaurant na hindi sumusunod sa panuntunan,” dagdag pa ni Santos.
Ayon kay Gen. Elmo San Diego, hepe ng DPOS, magpapatuloy ang surprise inspection upang mahuli ang mga lumalabag sa health protocol.
Sinabi ni QCTD action officer Tetta Tirona ang protocol ay hindi lamang para sa kapakanan ng mga kustomer kundi maging sa empleyado rin ng kainin.
“Establishments can gain a lot from following the preventive measures by being responsible citizens – protecting themselves, their staff and the consumers,” ani Tirona.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.