Frankie sa rape threat: There’s no NBI case, pinag-iisipan ko po nang malalim
PINAG-IISIPANG mabuti ni Frankie Pangilinan kung itutuloy niya ang demanda laban sa taong nagbantang gagahasain siya.
Nilinaw ng anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na wala pa siyang ipina-file na kaso laban kay Sonny Alcos, ang lalaking nag-post ng rape threat sa dalaga.
Inamin ni Frankie na hindi niya inaasahan na magiging ganito ka-intense ang naging paninindigan niya tungkol sa issue ng rape sa bansa matapos nga niyang kontrahin si Ben Tulfo na nagsabing nasa klase rin ng pananamit ng babae kaya sila nagagahasa.
Paglilinaw ni Frankie, “I had no idea about that NBI crap and it’s really upsetting me if one vile tweet against me is more important to them than the several real cases of sexual assault and rape. I’m deeply sorry for the injustice.
“This whole thing got so much bigger than I ever intended it to.
“It was something that hurt me briefly and that was it. It shouldn’t take precedence over anyone else’s cases, most especially those more grave, and I truly hate that it might,” anang dalaga.
“I’m so so so sorry. This is exactly what I was so worried about. I’ll fix it promise,” dugtong pa niya.
Sa nauna niyang tweet, sinabi ng dalaga na, “Okay, so– there is no NBI case until I file [no one can file without me] and I haven’t filed yet while I weigh the consequences.
“I want to set an example and fight for my own justice but never at the expense of others.
“To my understanding, everything the Department of Justice has done thus far has been of their own choosing.
“Basta, hindi pa po ako nakapag-file at hindi po puwedeng mag-file ang iba hangga’t ibinigay ko ang aking pahintulot. Pinag-iisipan ko po nang malalim,” pahayag pa ng anak ni Mega.
Nauna rito, nagpahayag ng matinding galit si Sharon laban sa lalaking “nambaboy” sa anak at gagawin niya raw ang lahat para maparusahan ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.