SWS: Pinoy na walang nakikitang magandang bukas record high
DUMAMI ang mga Filipino na nakikita na mas sasama pa ang kalagayan ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.
Sa Mobile Phone Survey ng Social Weather Station, 43 porsyento ang nagsabi na sasama ang kanilang buhay, malayo sa 24 porsyento na naniniwala na gaganda ang kanilang buhay.
Nagsabi naman ang 24 porsyento na wala silang nakikitang pagbabago.
Ang naitalang 43 porsyentong pessimists o naniniwala na hindi gaganda ang kanilang buhay sa susunod na isang taon ang pinakamataas na naitala sa nakaraang 37 taon. Tinalo nito ang 34 porsyento na naitala noong Marso 2005.
Ang net personal optimism (optimist minus pessimist) ay -18 porsyento, bumagsak mula sa 44 porsyento noong Disyembre 2019.
Ang survey ay ginawa mula Mayo 4-10. Kinuha ang opinyon ng 4,010 respondents (working age o 15-anyos pataas). Ito ay may error of margin na plus/minus 2 porsyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.