BINARIL at napatay ang barangay chairman ng limang lalaki na sakay ng mga motorsiklo kaninang madaling araw sa Caloocan City.
Dead on the spot si Douglas Dilao, residente at chairman ng Brgy. 151, Bagong Barrio.
Naglalakad patungo ng barangay hall si Dilao mula sa birthday ng isang kagawad nang harangin ng mga lalaking de-motor sa Progreso st.
Bago pa nakatakbo ay pinagbabaril ang biktima ng mga suspek na pawang nakasuot ng face mask.
Nang masigurong patay na ang biktima ay tumakas ang mga suspek.
Inaalam pa ang motibo sa pagpatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.