Paano na mabubuhay ang mga dakilang talents sa TV at pelikula?
THERE is a new direction for JAMS Artist Production.
This was emphasized by JAMS founders Jojo Flores, former Star Circle Quest contestant, and Maricar Moina who said na may back-up plan naman ang production company nila para sa mga talents nila at mga aspiring models.
Handa silang magbukas ng mga panibagong pinto para may mapuntahan pa rin ang mga talents nila.
As early as April ay nag-brainstorming na ang core group nila para gumawa ng mga digital shows.
“Everyone’s online naman lalo na nitong lock-down, nasa internet ang majority ng mga tao. Sonaisip namin na kami na mismo ang gumawa ng shows online.
“At least mas malawak ang scopedahil madali ang access basta may internet,” ani Jojo.
“Plan naman talaga namin na mag-produce na din ng shows pero mga next year pa sana. I guessito na yung sign namin from the universe na ipush na namin ng mas maaga ang plans namin,” sabi naman ni Maricar.
Ayon pa kay Jojo, naisip na rin nila na it’s about time to venture into something bigger, which is producing online shows nga.
Hindi na rin naman sila bago sa pagpo-produce dahil nakapag-mount na sila ng malalaking events, at ang latest nga was the JAMS Top Model last January at the MOA Arena kung saan rumampa ang halos 200 models from 100 cities and municipalities around the country.
Ang kaibahan lang ng plano nilang gawin this time ay narrative ito at hindi modelling search.
Pero tuloy pa rin naman ang JAMS Top Model Philippines. In fact, nagsimula na silang tumanggap ng online application from potential candidates.
“Kapag sinabi ng government na puwede na uli ang live events, we will immediately inform the candidates of the date para makapag-ready sila,” ani Jojo.
Meanwhile, handa na ang production company nila to embrace the new normal and work with new rules and guidelines.
Ang entertainment industry — from TV, film, commercial, theater to live events — ang isa sa pinakaapektado nang husto dahil sa pandemya at lockdown.
Marami ang nawalan ng trabaho at wala ring natanggap na benepisyo dahil karamihan ay mga freelancers at walang security insurance.
Kaya marami ang nagtatanong kung paano na nga ba sila? Ano na ang gagawin ng mga talents na lumalabas sa mga TV at pelikula at mga modelong rumarampa e, maraming shows and events ang cancelled na. Paano sila magsu-survive?
Alam ng lahat na sa tinatawag na new normal ay marami nang bawal at mga limitasyon.
Isa ito sa mga naging concerns ng mga regular talents ng JAMS Artist Production, ang casting agency na kilala sa pag-supply ng mga talents sa iba’t ibang teleserye at mga pelikula.
Nangangamba silang wala na silang babalikang trabaho o pagkakakitaan. Pati ang mga aspiring models na gustong sumali sa annual modelling search na JAMS Top Model Philippines ay nagtatanong din kung paano na ang pangarap nilang makarampa sa MOA Arena.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.