Pagbabalik ng Cebu City sa ECQ ipinagtanggol ng Palasyo | Bandera

Pagbabalik ng Cebu City sa ECQ ipinagtanggol ng Palasyo

Bella Cariaso - June 16, 2020 - 02:33 PM

IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang paglalagay muli ng Cebu City sa enhanced community quarantine (ECQ) matapos namang makapagtala ng pinakamaraming kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod kung saan umabot na ito ng 2,810 noong Hunyo 14.

Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nalampasan na ng Cebu City ang Quezon City sa pinakamataas na kaso ng COVID-19 na merong mahigit 2,600 kaso.

“Unang-una po, mayroon pong 2,810 na mga kaso as of June 14; 2,417 noong June 10; 1,749 noong May 31. Mayroon pong doubling time sa Cebu City na 6.63 case, ibig sabihin, anim at kalahating araw dumudoble po ang kaso ng COVID-19 sa Cebu,” sabi ni Roque.

Idinagdag ni Roque na 61 sa 80 barangay o 76 porsiyento ng mga barangay sa Cebu City ang apektado ng COVID-19.

“Meron pong 13 worst-hit barangays. Ang kaniyang testing positivity rate po ay 33to 36 percent. Ibig sabihin po, halos apat sa sampung tini-testing sa Cebu ay positibo. At ang transmission rate po niya ay 1.3, samantalang sa national po, 1.07 lamang ang transmission rate,” paliwanag pa ni Roque.

 Samantala, inilagay naman ang Talisay City sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) dahil din sa patuloy na pagtaas ng mga bagong kaso.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending