BAGSAK sa kulungan ang dalawang Chinese na kumidnap umano sa kanilang kababayan sa Makati.
Ayon sa ulat, sinalakay ng mga pulis alas-9:15 ng gabi kahapon ang Unit 3316 sa Lerato Tower sa Malugay st., matapos humingi ng tulong kay Maj. Gideon Ines ang isang Tsino.
Base sa sumbong, nakakulong sa naturang unit ang isa pang Intsik.
Inaresto sina Zhou Meng, 26 at Tseng Yi-Ting, 25 na naaktuhang binabantayan ang biktimang si Ao Yuan, 29, residente ng Three Central Condominium, Brgy. Bel Air.
Nakuha sa condo unit ang apat na laptop, computer accessories at condom.
Nahaharap sa kasong illegal detention sina Zhou at Tseng.
Hindi naman maliwanag kung bakit kinidnap at ikinulong si Ao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.