Sheena buntis na sa panganay nila ni Jeron: And now we’re 3!
THREE months nang buntis ang Kapuso actress na si Sheena Halili.
Ibinandera ni Sheena ang good news sa kanyang fans and social media followers sa pamamagitan ng Instagram kahapon.
Ayon sa future mommy, 13 weeks na sa kanyang tummy ang magiging panganay nila ng asawang lawyer na si Jeron Manzareno.
Ipinost ni Sheena ang ilan niyang litrato sa IG kung saan proud na proud niyang ipinakita ang kanyang baby bump.
Aniya sa caption, “And now we’re three! #13weeks.” Makikita rin sa isang photo ang sonogram ng kanilang first baby.
Kung matatandaan, nagpakasal sina Sheena at Jeron noong Feb. 23, 2020 na dinaluhan ng kanilang respective families. Naging star-studded din ang kanilang wedding dahil sa pagdalo ng mga kaibigan nilang celebrities.
Naging hot topic din ang pagpo-propose ni Jeron kay Sheena noong Aug. 26, 2019 dahil nangyari ito sa isang sinehan sa Greenhills.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.