1.1M LIBREng sakay naibigay sa health workers
UMABOT na sa 1,125,281 libreng sakay sa frontline health workers ang naibigay ng programa ng Department of Transportation sa buong bansa hanggang kahapon.
Ayon sa DoTr, 809,112 ang naibigay na libreng sakay sa mga frontline health workers sa National Capital Region at karatig na lugar.
May 20 ruta ang mga bus na nagbibigay ng libreng sakay sa Greater Manila Area.
Ang mga bus ay mayroong GPS upang makita ng mga sasakay kung nasaan na ang mga ito.
Makikita ang mga ruta sa Sakay.ph at Google Maps.
Bukod sa mga ospital, naghahatid din ang libreng sakay sa mga piling quarantine facility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.