INAASAHANG na lalo pang lalakas ang bagyong Butchoy habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay aakyat sa kategoryang Tropical Storm sa loob ng 24 oras.
Inalis na ang PAGASA ang mga Tropical Cyclone Wind Signal sa mga lugar na naunang naapektuhan ng bagyo.
Sa update ng PAGASA bago magtanghali kanina, ang bagyo ay nasa layong 140 kilometro sa kanluran-hilagang kanluran ng Iba, Zambales o 165 kilometro sa kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Umuusad ito sa bilis na 25 kilometro bawat oras patungong kanluran-hilagang kanluran. May hangin ito na umaabot sa 55 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 70 kilometro bawat oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.