Sanya umamin sa 'feelings' kay Ken; Max handang-handa na sa water birth | Bandera

Sanya umamin sa ‘feelings’ kay Ken; Max handang-handa na sa water birth

Ervin Santiago - June 12, 2020 - 11:06 AM

INAMIN ni Kapuso sexy actress Sanya Lopez ang “feelings” niya noon sa isang alaga ni German “Kuya Germs” Moreno sa programang “Walang Tulugan.”

Nagkaroon ng virtual reunion ang mga hosts at performers ng  “Walang Tulugan” kamakailan hatid ng GMA Artist Center “Artist Collab”.

Naki-join dito sina Sanya, Ken Chan, Jak Roberto, Buboy Villar, Teejay Marquez, Eian Rances, Marika Sasaki at Mico Aytona, hosted by Jackiou Blanco and John Nite.

Napag-usapan nila ang ilan sa kanilang best memories sa show at inalala rin nila ang moments nang kasama pa nila ang Master Showman. 

Nagkabukingan din ang mga “Walang Tulugan” stars nang tanungin sila kung sino ang naging crush nila noon sa show. 

Kuwento ni Sanya, may crush daw siya kay Ken noon dahil sa pagiging mabait at approachable nito, “’Yung crush ko inamin ko kay Ken Chan ‘yon ‘eh, kasi siya ‘yung unang nag-approach sa akin. 

“Sobrang approachable kasi ni Ken. Sabi ko, ‘Ang bait naman ni Ken, crush ko na siya.’ Tapos ang tali-talino,” pag-amin ng dalaga.

“Ewan ko kung alam ni Sanya ‘yon pero kung ako ang tatanungin, kay Sanya rin po ako unang napukaw noon,” pag-amin din ni Ken.

                           * * *

Nakatakda nang manganak next month ang aktres na si Max Collins sa kanilang firstborn ng asawang si Pancho Magno.

 

Bagama’t kinakabahan, mas excited pa rin siya sa nalalapit na pagsilang ng kanilang baby boy! 

Kaya naman, mas tinututukan ni Max ngayon ang kanyang health. Sa isang Instagram update, ipinasilip niya kung paano niya pinaghahandaan ang pagbubuntis at panganganak sa pamamagitan ng pregnancy workouts, at isa na nga rito ang pilates.

 

Aniya, “So thankful for pre-natal Pilates, trying to gain my strength back for the big day! Thank you.”  

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Mas pinili ng pamilya Magno ang home water birth para kay Max bilang paniniguro sa safety ng baby ngayong may COVID-19 pandemic. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending