Ate Vi nadiin sa anti-terror bill: May reservations pala siya bakit nag-yes agad?  | Bandera

Ate Vi nadiin sa anti-terror bill: May reservations pala siya bakit nag-yes agad? 

Ronnie Carrasco III - June 12, 2020 - 09:13 AM

SINERTIPIKAHAN as urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasa sa House Bill 6875, otherwise known as Anti-Terrorism Bill na una munang dumaan sa Senado at ngayo’y nakalusot na sa third reading sa Kongreso.

Ito ang bill na mahigpit na tinututulan ng marami sa ating mga kababayan sa maraming kadahilanan with emphasis on certain provisions.

Kanya-kanyang opinyon lang ‘yan.

Hindi na namin iisa-isahin ang mga bahagi sa bill na ‘yon na umani ng ‘di pagsang-ayon, pero isa si Lipa City Rep. Vilma Santoa-Recto sa mga nagsusulong na isabatas ‘yon, bagama’t aniya’y hindi naman daw siya ang pangunahing may-akda nito (but Muntinlupa Representative Ruffy Biazon).

Hindi pala si Ate Vi ang principal author nito, eh, ‘di all the more na hindi niya kailangang sang-ayunan ito, ‘di ba? Eh, kung si Cong. Biazon nga who originally authored the bill ay umatras, ‘no!

But like most of us, Ate Vi is no exception as far as her right to choice is concerned. 

Ang hindi lang namin maubos-maisip ay ang depensa niya sa likod ng pagsuporta niyang ‘yon. Okey raw sa kanya ang nasabing bill, PERO (take note of the Filipino conjunction in bold letters) may reservations daw siya.

By reservations ay simple lang ang ibig sabihin ni Ate Vi. Meron siyang mga agam-agam o pag-aalinlangan kung saan nagtatalo ang kanyang puso’t isip.

Ang alam namin sa isang taong may ganoong saloobin ay hindi agad nagpapadalus-dalos sa kanyang desisyon.

Una, that person has to familiarize himself with the contents of the bill (how true na may mga mambabatas na hindi naman talaga binabasa ang bill sa kabuuan nito?). Kung meron man siyang mga katanungan, that person asks. 

Mahalaga ang magtanong tungkol sa mga bagay na hindi malinaw sa kanya. Only then that person realizes the pros and cons of a certain issue.

Importante rin that the person bides time para mabigyan siya ng sapat na panahon to process her thoughts. 

Sinumang taong nginangarag mo to get things done quickly ay posibleng hindi maging maganda ang resulta.

May mga reservations pala ang kinatawan ng Lipa City ay bakit niya ‘yon inaprubahan agad? 

The least Ate Vi could have done was to abstain.

Tuloy, ikinukonek ng madlang pipol ang mga papel na ginampanan niya noon sa pelikula, isa na rito’y ang activist role niya bilang Sister Stella L from the film of the same title (by Mike de Leon.

Sino’ng hindi makakalimot sa makasaysayang linya ng palabang madre na “Katarungan kay Ka Dencio!” sa ibabaw ng entablado kung saan nakapalibot ang mga manggagawa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang kuwento sa likod nito’y kuwento pa rin naman na nangyayari sa kasalukuyang panahon. Nag-iiba lang ang mga mukha ng karakter pero iisa pa rin ang layunin ng kanilang pagkakabuklud-buklod.

                                                                                    

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending